Karpintero na bumili ng lechon manok para sa b-day ng anak na-shock!
MARAMING na-touch at na-inspire sa kuwento ng isang amang construction worker na bumibili ng lechon manok para sa birthday ng kanyang anak.
Pinusuan at umani ng sandamakmak na likes at comments ang ipinost ng isang netizen sa Facebook tungkol sa karpinterong naging customer nila kamakailan sa pag-aaring food business.
Ibinandera ni Jacqueline Quibuyen, ang may-ari ng naturang lechon manok business, na bumili sa kanilang puwesto ang nasabing manggagawa ng isang buong lechong manok na nagkakahalaga ng P270.
Tinanong daw ng tatay kung wala na raw bang bawas sa presyo ang binibili niya dahil kulang na raw ang kanyang pera. Sabi pa ng lalaki, P450 lang daw ang suweldo niya bilang construction worker.
At kaarawan din daw noon ng kanyang anak na humiling sa kanya na sana raw ay may handa silang lechong manok.
Baka Bet Mo: Bakit biglang nagdesisyon si Lucy Torres na huwag nang kumain ng manok?
Agad daw na nagbalot ng dalawang buong lechon manok si Jacqueline nang marinig ang kuwento ng tatay. At nang magbabayad na ito ay hindi niya tinanggap.
Kitang-kita raw niya ang kaligayahan sa mukha ng karpintero habang nagpapasalamat sa kanya. Kasunod nito, humingi ng permiso si Jacqueline sa tatay na makuhanan siya ng litrato para i-post sa social media para magpasabog ng good vibes at inspirasyon.
“Kanina while we are waiting ng costumer sa store may construction worker na nag tanong kung mag kano lechon manok namin, then i said 270 po.
“Tapos ang sabi niya ‘wala na po bang bawas birthday po kasi ng anak ko nagrequest kasi siya kaya yan nalang sana ihahanda namin, kaya lang halos isang araw ko na sa trabaho ko yung presyo.’
“Then I asked him, magkano po ba sahod niyo sir? 450 lang kasi isang araw ko sa pag lelabor sa construction. Ah ganon po ba ang sabi ko naman.
“Tinanong ko kung ilan? ang sagot niya (kahit isa lang po) Dali daling sinupot ko yung dalawang manok sabay abot sa kanya tapos tinanong ko kung pwede ko ba siyang picturan.
“Tapos sabay abot niya ng bayad na worth 270 pesos sabi ko hayaan niyo napo tay wag niyo na pong bayaran parang ang laking tuwa sa kanya nung narinig niya yung sinabi ko.
“Naimagine ko pano kaya yung ibang employee na sumahod lang ng minimum pano kaya nila napaglakasya yun sa mga expenses nila.
“At sana sa mga katulad nating nag nenegosyo pag may ganyang costumer na bumili sa inyo kahit discount nalang ibigay niyo para lang kahit papano makatulong tayo. Because Not everybody can Afford our Product,” ang buong FB post ng negosyante.
Nagpaabot naman ng pasasalamat si Jacqueline sa mga nakaka-inspire na comments ng mga nakabasa sa kanyang post, “Salamat po sa lahat ng naka appreciate sa post pa share po para marami pong makakita at gumawa ng tama sa kapwa.”
Narito ang ilang reaksiyon ng mga netizen na naantig sa kuwento ng amang construction worker
“Good work, ms Jacqueline. God will pay you back kahit di mo alam ang Kanyang kalooban. Ang naaawa sa mahirap ay nagpapautang sa Dios.”
“God bless you mam,sana marami pa ang mga katulad mong negosyante na may puso,at marami ang mananalangin sau isa na ako doon and I pray that the blessing,grace and super natural favor of the Lord be upon you always and protect you frim all harm. amen.”
“Sana lahat ng ganyang may mabuting kalooban ay maging isntomento mg mga taong nagbu2lagan sakatotohanan na kays naman magbahagp pero ticom ang mga palad tularan ni yo c mis lectson manok bucilak ang puso bukas palad sa pagtulong saludo ko syo.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.