CONFIRMED! Si Julia Montes nga ang napili ng ABS-CBN para bumida sa Philippine adaptation ng Japanese hit drama series na “Mother.”
Magbabalik na sa primetime TV ang itinanghal na 7th The EDDYS best actress (para sa Five Breakups And A Romance) sa pamamagitan ng bago niyang serye, ang “Saving Grace.”
Ngayong araw, July 15, ibinandera ng Dreamscape Entertainment sa kanilang social media accounts in collaboration with ABS-CBN Studios and Nippon TV ng Japan.
“Congratulations to ABS-CBN on acquiring our script format ‘Mother.’ We truly believe in ABS-CBN’s production capability and that the Filipino audience will love the show,” ang pahayag ni Sally Yamamoto mula sa Nippon TV.
“‘Mother’ is truly a beautiful story and I am sure you are all going to love it. So best wishes to the cast and crew,” sabi pa ni Yuki Akehi mula pa rin sa Nippon TV.
Mensahe naman ni Cory Vidanes, chief operating officer ng ABS-CBN, “This is our very first adaptation of a Nippon TV series and we are very grateful to Nippon TV for entrusting us with the rights for the Filipino version.
“It’s a beautiful story that really centers around the importance of family and motherhood and promises to be a very emotionally engaging and heartwarming series that will deeply resonate with the Filipino audience and the non-Filipino audiences worldwide,” sabi pa ng TV executive.
Samantala, ibinahagi naman ni Julia sa kanyang Facebook page ang good news kasabay ng pagpapasalamat sa ABS-CBN at sa kanyang Dreamscape family. Inialay din niya ang “Saving Grace” sa yumaong head ng Dreamscape Entertainment na si Deo Endrinal.
Baka Bet Mo: Japanese horror movie na ‘Immersion’ pinagsama ang ‘real’ at ‘virtual’ world; alamin ang misteryo sa isinumpang isla
“I am beyond excited for this project. Salamat po sa patuloy ninyong pagsuporta! Thank you always trusting me my Dreamscape Entertainment family. Sir Deo, this is for you,” mensahe ni Julia.
Ilang version na ng “Mother” ang ipinalabas sa iba’t ibang bansa kabilang na ang Turkey, South Korea, Ukraine, Thailand, China, France, Spain, Mongalia at Saudi Arabia.
Sa panayam ng press kay Julia sa nakaraang 7th The EDDYS, una niyang nabanggit ang tungkol sa “big project” na gagawin niya under Dreamscape.