Arnold Clavio ‘nagpaalam’ na kay Chino Trinidad, ibinandera ang last convo

Arnold Clavio ‘nagpaalam’ na kay Chino Trinidad, ibinandera ang last convo

Arnold Clavio, Chino Trinidad

“WALA na si Chino Trinidad.”

‘Yan ang bungad sa Instagram post ng Kapuso anchor na si Arnold Clavio matapos mabalitaang pumanaw na ang veteran sports journalist na si Chino Trinidad.

Kalakip niyan ang isang compilation video na ipinapakita ang ilang picture ng kanyang kaibigan at katrabaho.

Ibinandera rin niya ang screenshot ng last conversation nila ni Chino na mababasang kinamusta siya nito matapos maospital ang news anchor.

“Kinumusta mo pa ako noong June 15, ilang araw matapos ako ay nagkaroon ng hemorrhagic stroke [sad face emoji],” caption niya.

Baka Bet Mo: Arnold Clavio nagsimula na ng therapy matapos ang hemorrhagic stroke

Naikuwento rin ni Clavio sa IG post na bandang 11 p.m. nang mag-collapse si Chino sa Newports Resorts World na ayon sa ilang mga kaibigan.

“Dinala siya sa San Juan De Dios, massive heart attack na. May scheduled check-up siya kay Dr. Tony Leachon this July 17. Hindi na umabot. He was supposed to turn 57 this month [sad face emoji],” chika pa niya.

Dagdag na mensahe pa niya, “Rest in peace bro. Enjoy your journey. Paki-kumusta mo na rin kami kay ama, Mike Enriquez. Paalam [folded hands emojis].”

July 13 nang sumakabilang-buhay si Chino matapos atakihin sa puso.

Mismong ang anak niyang si Floresse Trinidad ang nagkumpirma sa GMA ng malungkot na balita. 

Aniya sa isang text message, “Yes, we are very sad to share the news of his passing last night, July 13, 2024.”

Si Chino ay anak ng veteran sports columnist na si Recah Trinidad. 

Year 1991 nang una siyang sumabak sa mundo ng palakasan bilang sports reporter sa radyo.

Naging sideline reporter din siya at game commentator sa Philippine Basketball Association at mga boxing events. 

Itinalaga rin siyang commissioner ng Philippine Basketball League noong 2000 at tumagal hanggang 2010.

Last May, 2024 naging commissioner din siya ng Sharks Billiards Association, na siyang unang billiards professional league sa Pilipinas.

Ilang taon din siyang nagtrabaho sa GMA 7 bilang sports reporter hanggang sa lisanin niya ang network noong 2023 makalipas ang 23 years bilang Kapuso.

Read more...