Ellen pinalagan ang pumuna sa ‘haircut’ ni Derek: ‘You don’t feed us!’

Ellen pinalagan ang pumuna sa ‘haircut’ ni Derek: ‘You don’t feed us!’

PHOTO: Instagram/@maria.elena.adarna

HINDI nakapagtimpi at talagang sinagot ni Ellen Adarna ang isang netizen na pinansin ang buhok ni Derek Ramsay.

Sa Instagram, masayang ibinandera ng aktres ang 6th birthday celebration ng anak na si Elias na ginanap sa isang Japanese restaurant.

Present diyan siyempre ang mister niyang si Derek, pati na rin ang ilan sa mga mahal nila sa buhay.

Caption pa riyan ni Ellen, “Happy Birthday my not so littol boy…forever my baby you’ll be [heart emojis].”

Baka Bet Mo: Ellen, Derek magkaka-baby na raw, nagbigay na nga ba ng clue?

Sa comment section, marami ang nagpaabot ng kanilang birthday wishes para sa tsikiting.

Ngunit imbes na maging masaya ang lahat, agaw-pansin ang komento ng isang basher na pumuna sa “haircut” ng mister ng aktres kahit ito ay nakasuot ng sumbrero sa picture.

Saad ng epal na IG user, “His father needs to procure a decent haircut,” at sabay tag kay Ellen.

Hindi naman nakapagpigil ang aktres at ito ay nireplyan niya, “Manong, do I need to remind you why minding your own business is important?……you don’t feed us.”

PHOTO: Screengrab from Instagram/@maria.elena.adarna

Pati si Derek sumagot din at sinabing, “I think you just want to use the word ‘procure’ to sound smart [laughing emoji].”

PHOTO: Screengrab from Instagram/@maria.elena.adarna

Mababasa rin na maraming fans ang nagtanggol sa mag-asawa at kinuyog ang basher.

Narito ang ilan sa mga nabasa namin:

“Manong, mind your own buhok, but you look like you have none LOL [laughing emoji]”

“Luh.. May alien [laughing emoji].”

“Slayyyyyyy! Deserve ni Mr. Procure [laughing emoji]”

“Haha tama si idol Derek…papansin lang ‘yan sa word na procure.”

Read more...