Lotlot nag-react sa ‘museum’ post ni Janine: ‘Sino po kasama mo? Hmmm’

Lotlot nag-react sa ‘museum’ post ni Janine: ‘Sino po kasama mo? Hmmm’

PHOTO: Instagram/@ms.lotlotdeleon

AGAW-PANSIN sa social media ang panunukso umano ng batikang aktres na si Lotlot de Leon sa kanyang anak na si Janine Gutierrez.

Ito ay matapos ibandera ng young actress ang ilang litrato sa recent visit niya sa National Museum of the Philippines sa Maynila.

Magugunitang nag-viral sa TikTok at Facebook ang ilang videos na spotted na magkasama sa nasabing lugar si Janine at ang batikang aktor na si Jericho Rosales.

May mga nagtatanong kung nagde-date ba ang dalawa o kaya naman ay promotion lang sa upcoming series na pagtatampukan nila.

Baka Bet Mo: Lotlot de Leon boto nga ba kay Paulo Avelino para kay Janine Gutierrez?

Sa comment section ng latest Instagram post ni Janine, makikita ang reaksyon ni Lotlot na ang sabi: “Ah, excuse me po. Sino po kasama mo nag punta dyan? Hmmmm…”

May kasama pa ‘yang smiling face with sunglasses emoji na tila ipinapakitang nang-aasar ito sa anak.

PHOTO: Screengrab from Instagram/@janinegutierrez

Nakisakay naman ang ilang fans at narito ang kanilang reply sa sinabi ni Lotlo:

“Hehehe.. same question mommy Lot, paki sagot po please Ms. Janine [laughing emoji]”

“Pakisagot po, Nini…[laughing emojis]”

“Nakita namin sino kasama may video sila together [face with hand over mouth emoji].”

Nitong nagdaang araw lamang nang maging usap-usapan sina Janine at Jericho na namamasyal sa nasabing museum.

Tila twinning pa nga sila sa kanilang damit na si Janine ay naka-white cropped sleeveless at pants, habang si Jericho naman ay naka-white polo.

Mapapansin din na may kasama silang bodyguards umano at tour guide.

Maaalala sa mga nauna naming naibalita, makakasama ni Jericho sa kanyang TV comeback si Janine.

Pareho silang tampok sa revenge series na “Lavender Fields” kasama ang award-winning actress na si Jodi Sta. Maria.

Until now, wala pang sagot sina Janine at Jericho patungkol sa kumakalat na isyu kaugnay sa mga kumakalat na videos.

Read more...