NAG-OPEN UP ang Asia’s Limitless Star na si Julie Anne San Jose patungkol sa kanyang relasyon kasama ang aktor na si Rayver Cruz.
Ayon kay Julie Anne, nagugulat din siya mismo dahil never silang nag-away.
“Hindi ko nga alam kung bakit ‘di kami nag-aaway e,” sey niya sa showbiz reporter na si Nelson Canlas na mapapanood sa news program na “24 Oras.”
Paliwanag niya, “Si Ray kasi parang ako siya or if I look in the mirror, I’d see Ray. Para akong nakahanap ng katapat ko or nakahanap ako ng kapareho ko.”
Inamin din ng singer na masasabi niyang siya ang “happiest Julie” ngayon at nakikita niya si Rayver bilang kanyang “forever” at “the one.”
Baka Bet Mo: Julie Anne na-shock nang i-unfollow ni Janine sa IG: Basta po malinis ang aking kunsensiya…
Pero nilinaw rin ng aktres na hindi naman sila nagmamadaling mag-settle down.
“Of course, we really do talk about it,” wika niya.
Patuloy niya, “Marami pa kaming mga pangarap individually but of course, being together, we also want to achieve those dreams together.”
“Right now, we’re just not forcing things to happen and we’re not really rushing,” dagdag niya.
Gayunpaman, tiniyak ni Julie Anne sa fans na parte ng goal nila bilang magdyowa ang magpakasal din eventually.
“Ako naman kasi I’m the kind of person na kung sino man ‘yung ka-relationship ko or kung sino man ‘yung other half ko, siyempre ‘yun ‘yung goal ko na gusto ko siya na talaga,” saad ng Asia’s limitless star.
Kung matatandaan, taong 2022 nang kinumpirma ng dalawa ang kanilang real score sa gitna ng “JulieVerse” concert ng singer.