BINI Jhoanna nagulat sa milyong views ng ‘Cherry On Top’: ‘Grabe kayo!’

BINI Jhoanna nagulat sa milyong views ng ‘Cherry On Top’: 'Grabe kayo!'

PHOTO: Instagram/@bini_jhoanna

TILA hindi makapaniwala si Jhoanna Robles, ang leader ng nation’s P-Pop girl group na BINI, sa nakamit nilang milestone kamakailan lang.

Ito ‘yung nakakuha sila ng mahigit one million views sa loob lamang ng apat na oras mula nang ibandera ang music video nila na “Cherry On Top.”

Sa pamamagitan ng X (dating Twitter), inihayag ni BINI Jhoanna ang kanyang reaksyon.

Ayon sa kanya, dream come true ang achievement nila recently at inalala ‘yung goal nila noon na maka-100,000 lamang sa loob ng isang araw.

“3 [years] ago ang goal lang natin maka-100k in 24 [hours] pero nowwwwww!!!! GRABE KAYO”

Baka Bet Mo: BINI Mikha may ‘knee injury’, pero sorpresang nag-perform pa rin sa concert

Sa comment section, maraming fans ang nagpaabot ng suporta at nagsabing deserve ng grupo kung ano man ang nakukuha nila ngayon.

Narito ang ilan sa mga nabasa namin:

“Dreams do come true for kind dreamers like you [smiling face emoji] proudest of you master Jho!!! deserve”

“Deserve nyo lahat ‘to, Jho [holding back tears, cherry emojis]”

“Congratulations Jho! Hard work pays off talaga [smiling face with hearts emojis]”

“Malakas kayo sa amin eh. Other than that, genuinely a bop song [holding back tears emoji] we love you, master jho!”

“Sobrang genuine ng mga reactions niyo please keep this attitude until the end, and you deserve everything guys!! [white heart emoji]”

Noong July 11 nang ibinandera sa YouTube ang music video ng “Cherry On Top” at until now ay unang-una pa rin ito sa listahan ng “trending for music” ng YouTube!

As of this writing din ay umaani na ito ng mahigit 5.4 million views.

Para sa mga hindi masyadong aware, nakipag-team up ang BINI sa ilang sikat na K-Pop producers upang mabuo ang latest single.

Nakipag-collaborate sila kina Skylar Mones at Shintaro Yasuda.

Nakasama na ni Skylar ang K-Pop boy group na EXO sa kantang “No Matter,” pati na rin ang sikat na Korean pop girl group na Red Velvet para sa single na “Better Be.”

Habang si Shintaro naman ay nasa likod ng kantang “Antifragile” ng K-Pop girl group na Le Sserafim.

Ang nasabing single ay magiging parte ng upcoming album nila, bukod pa sa ilang inaabangang international music, ayon sa ABS-CBN Music head na si Roxy Liquigan.

Read more...