BINI Mikha may ‘knee injury’, pero sorpresang nag-perform pa rin sa concert

BINI Mikha may ‘knee injury’, pero sorpresang nag-perform pa rin sa concert

PHOTO: Instagram/@bini_mikha

AKALA ng maraming fans, hindi na talaga magpe-perform sa stage ang lead rapper, lead dancer at visual ng BINI na si Mikha Lim.

Bago kasi mangyari kagabi, July 12, ang “Thanksgiving Concert” ng isang sikat na supermarket ng bansa ay naglabas ng statement ang official social media pages ng nation’s P-Pop girl group upang magbigay abiso na hindi makakapag-perform si Mikha.

Nagtamo raw kasi siya ng minor injury sa kaliwang tuhod at kailangang magpagaling muna.

“Mikha has suffered a minor injury to her left knee and will not be able to perform at the Puregold’s Thanksgiving Concert. Rest assured, she is okay and recovering well,” saad sa pahayag.

Mensahe pa, “Let’s sweeten up the experience by showing support to the rest of our BINI and enjoy the event together!”

Baka Bet Mo: Karen Davila sa BINI: ‘OMG ang babait! Tama lang na iniidolo niyo sila!’

Maraming Blooms naman ang nagpahayag ng kanilang get well wishes para sa injured member.

At ilang oras lamang ay may mga kumalat nang video na present si Mikha sa nasabing concert, pero siya ay nanood lamang kasama ng mga audience.

Naging trending din ‘yung video niya na tila umiiyak habang nagpe-perform sa stage ang kanyang mga ka-miyembro.

“Hala Mikha was crying pala while watching bini earlier [sad face emoji]

Sa comment section, may ilang Blooms ang nagpahayag ng suporta sa kanya at heto ang ilan sa mga nabasa namin:

“Akala ko napuwing lang siya sa shorter clip. She’s really a softie when it comes to the girls [crying emoji]”

“Its okay lang Mikha alam ko gusto mo din mag-perform pagaling ka muna.”

Pero kalaunan ay makikita ang ilang posts na nagkaroon ng surprise appearance sa stage si BINI Mikha at nakasama sa closing performance ng concert.

“We’ll collectively pray/wish for your fast recovery, babi!” saad sa X post.

Patuloy pa, “Again, we will patiently wait until you’re fully healed so don’t rush yourself and take it easy. Your health is always our top priority. we love youuuu”

Magugunitang naglabas ng latest single ang girl group na ang title ay “Cherry On Top.”

As of this writing, number one pa rin ito sa “trending for music” ng YouTube at umaani na ng mahigit 4.3 million views!

Read more...