Zeinab Harake, Bobby Ray balak magpakasal sa taong 2025?

Zeinab Harake, Bobby Ray balak magpakasal sa taong 2025?

PHOTO: Instagram/@zeinab_harake

NEXT year na ikakasal ang engaged couple na sina Zeinab Harake at Bobby Ray Parks Jr.!

Ito ang ibinunyag mismo ng vlogger nang makapanayam sa isang event, ayon sa tweet ng entertainment reporter na si MJ Felipe.

Pagkatapos nga raw ng wedding ng dalawa ay sisimulan na rin nilang ipatayo ang kanilang dream wedding.

Bukod diyan, naikwento rin ni Zeinab na pina-customize pa ng basketball player ang kanyang engagement ring sa United States.

Baka Bet Mo: Zeinab na-stress kay Bobby Ray sa ‘Can’t Say No’ challenge, hirit ng basketbolista: Hayaan mo na ako, ito ang kasiyahan ko

Magugunita noong July 7 ibinandera sa social media ang wedding proposal ni Bobby Ray para kay Zeinab.

Kasabay rin niyan ang isang vlog na ipinapakita ang behind-the-scenes kung paano pinaghandaan ng dyowa ng vlogger ang sorpresa.

Mapapanood na humingi muna siya ng “approval” sa pamilya ni Zeinab, kabilang na riyan ang parents, mga kapatid at mga anak nito.

Kasunod niyan ay nagsinungaling pa sila sa social media star na may pupuntahang party at nang makarating na nga sila sa venue ay kinatuban na ang socmed star sa kung ano ang mga mangyayari.

At hayan na nga, biglang nagpakita si Bobby Ray at nagbigay muna ng matamis na mensahe bago lumuhod at alukin ng kasal ang vlogger.

Nag-yes agad si Zeinab at pareho silang naging emosyonal.

Nasaksihan din mismo ng kanilang pamilya at mga malalapit na kaibigan ang memorable moment ng dalawa.

Kung matatandaan, noong 2022 nang inanunsyo ni Zeinab na siya ay in a relationship, pero hindi pa ibinunyag kung sino.

At makalipas ang halos isang taon, kinumpirma niya sa publiko na dyowa niya ang basketball player.

Si Zeinab ay may adopted child na si Lucas at may anak din na si Bia mula sa dating boyfriend na Skusta Clee.

Read more...