Elijah super grateful sa ‘Batang Quiapo’, ano kaya mga mami-miss niya?

Elijah super grateful sa 'Batang Quiapo', ano kaya ang mga mami-miss niya?

PHOTO: Instagram/@elijahcanlas

NALUNGKOT si Elijah Canlas dahil hindi niya nakaeksena ang mahusay na direktor na si Joel Lamangan bilang si Roda sa “FPJ’s Batang Quiapo.”

Nawala na kasi Pablo (Elijah) sa BQ dahil kailangan na niyang mag-concentrate sa seryeng “High Street” bilang isa siya sa main cast.

“Ang husay-husay ni Direk Joel, malungkot nga ako kasi hindi ko siya nakasabay sa taping kasi iba ‘yung character arts namin [kaya] hindi kami nag-meet at some point tapos namatay na ako [kaya] hindi ko na siya naka-eksena.

“Ang dami pang cast ng ‘Batang Quiapo’ I wish I got to share scenes with like si Tito Ronnie (Lazaro), Tito Sen Lito Lapid, si Ms LT (Lorna Tolentino), and everyone but I’m still happy and grateful na ang dami ko pa ring nakaeksena -si Ma’am Charo (Santos-Concio), naka-eksena ko si Tita Irma (Adlawan) mga idol ‘yang mga ‘yan,” kuwento ni Elijah nang makausap siya sa 7th Eddys awards night kamakailan.

Pero hindi naman totally nalungkot ang aktor nang mawala na ang karakter niya sa BQ.

Baka Bet Mo: Elijah ayaw muna sa gay role, pero tuloy ang pakikipabaka para sa LGBT

“Hindi naman talaga nalungkot at the same time just like I really have fun being in Batang Quiapo, it’s one of the experiences that I had most fun with.  Sobrang saya po ng set na-enjoy ko ang character ko na kahit napakasama, yung mga katrabaho ko and to be part of the number one show in the Philippines is a big blessing, it’s an honor honestly.

“’Yun nga rin po ang sinasabi ko sa buong team, of course nandoon na rin naman ang tagal ko na ring nasa ‘Batang Quiapo’ since January parang normal teleserye naman ‘yung pinag-stay ko ro’n and marami rin po kasi akong gagawin na sunod.

“And naniniwala ako na hanggang doon na lang ‘yung character na ‘yung eksena with Pablo and Bubbles nako may rape scene sabi ko, ‘yan deserve ni Pablo na mamatay!’

“Ako na rin nagsabi kina direk Coco (Martin), ‘oo mamatay na talaga si Pablo kasi ginawa na niya ‘yun (rape) but other than but of course I’m grateful for the experience in Batang Quiapo.

“Malaking karangalan para sa akin and I’m excited to work for the next months marami pa ring mga kasunod pa,” mahabang sabi ni Elijah.

At ang mami-miss ng aktor sa BQ ay ang proseso na walang script at malalaman na lang sa mismong araw ang gagawin.

“Sa mismong set na lang ibibigay ‘yung lines tapos ikaw na ang bahala kung paano mo ide-deliver ‘yun na puwede mong i-improv o puwede mong idagdag, one of a kind.

“Ang dami ko na rin pong nagawang teleserye at pelikula, doon (BQ) ko lang na experience ‘yung improvisation based at nae-exercise ‘yung skills mo at gut feel mo bilang actor, ang saya sobrang na-enjoy ko at ‘yun ang pinakamami-miss ko at siyempre ‘yung mga tao, mga cast and nagkaroon na rin ng bonding and friendship with them,” masayang sabi ni Elijah.

Samantala, sa rami na ng characters na nagawa ng aktor ay isa na lang ang hindi pa niya nagagawa, ang comedy.

“Never pa po kasi ako nag-comedy sa teleserye, pelikula na may konting comedy at malaking challenge ‘yan sabi nga ng (ibang) artista comedy ‘yung pinakamahirap kug tutuusin kaya gusto kong ma-experience ang comedy. Lagi na lang akong umiiyak sa mga ginagawa ko o bugbog,” nakangiting sagot ni Elijah.

May mga gagawing pelikula pa si Elijah at hindi pa lang niya puwedeng banggitin basta’t nagpapasalamat siya sa mga producers na nagtitiwala sa kanya.

Read more...