Bobby Yan nag-react sa pagdagsa ng tao sa puntod ni Rico Yan

Bobby Yan nag-react sa pagdagsa ng tao sa puntod ni Rico Yan

Bobby Yan, Rico Yan, at Claudine Barretto

NAGLABAS na ng pahayag sina Bobby Yan tungkol sa biglang pagdagsa ng mga taong dumadalaw sa puntod ng yumao niyang kapatid na si Rico Yan.

Matatandaang ilang linggo na ring laman ng social media ngayon ang yumaong aktor at marami sa mga netizens ang tila panay throwback sa tambalan nila ng dating karelasyon na si Claudine Barretto.

Bukod pa rito ay trending rin ang kapatid ni Bobby sa TikTok dahil marami sa mga nerizens ang tila dinudumog ang kanyang puntod sa Manila Memorial Park.

Ang naturang pagdalaw kay Rico ay ibinabandera ng mga fans at netizens sa social media na tila ba ginagawang tourist spot ang libingan ng yumaong matinee idol.

Baka Bet Mo: Rico Yan inalala ng kapatid ngayong Good Friday

Sa katunayan ay marami na rin sa mga netizens at celebrities ang nag-call out sa ganitong trend dahil tila nawawala na ang respeto ng mga ito sa kapatid ni Rico.

Isa na nga si Jessy Mendiola sa nagsalita ukol sa isyu.

“Wala na ba magawang matino ang mga social media addicts? Konting respeto naman sa namayapa na at pati na rin sa pamilya ng yumaong. Susme.

“Lahat nalang ba para sa likes, followers and views? Nakalimutan na yata ng mga tao ang salitang ‘respeto’. Wala nang decency,” diretsahang sabi ni Jessy ukol sa Rico Yan trend.

Nagbigay naman na ng pahayag si Bobby tungkol sa pagte-trending at pagdami ng bisita sa puntod ng nakababatang kapatid.

Ayon raw sa caretaker ng puntod ni Rico, hindi naman daw dapat ikabahala ang dami ng mga dumadalaw sa yumaong aktor at kung magkakaroon man ng problema sa obabg mausoleums sa sementeryo ay gagawa sila ng aksyon.

“We welcome po anyone from anywhere. We have visitors from abroad visit Rico’s tomb and there are visitors weekly since 22 years ago,” sey ni Bobby.

Matatandaang namatay si Rico noong March 2002 sa edad ba 27 dahil sa sakit na acute hemorrhagic pancreatitis.

Read more...