Andi, Philmar super flex sa 3-year-old baby na kayang mag-surf mag-isa

Andi, Philmar super flex sa 3-year-old baby na kayang mag-surf mag-isa

PHOTOS: Screengrab from Instagram/@chepoxz

MUKHANG may susunod sa yapak ni Philmar Alipayo sa pagiging champion surfer!

Sa murang edad pa lang kasi, pinakitaan na tayo ng kanyang astig na pagse-surf na walang alalay o kasama.

Siya ang ang three-year-old son ni Philmar at Andi Eigenmann na si Koa.

Sa pamamagitan ng Instagram, proud na ibinandera ng couple ang maangas na surfing skills ng kanilang anak.

Baka Bet Mo: Andi kinakarir ang fitness journey hindi para magpaseksi: Gusto kong maging best mama sa mga anak ko

Mapapanood sa post ng professional surfer na nakasuot ng life vest si Koa habang enjoy na enjoy na nakatayo sa surfboard at sinasabayan ang waves sa isang beach sa Siargao.

“My 3yr old son Koa [emoji],” super flex na caption ni Philmar sa anak.

Sa comment section, maraming netizens ang napabilib at napa-wow sa bunsong anak nina Andi at Philmar.

Narito ang ilan sa mga nabasa namin:

“Omg ang galing! Angas Koa! [clapping hands emoji]”

“Omg… Koaaaaaa I’m jealous [smiling face with heart eyes emoji]”

“Surfing runs in d blood way to go Koa [clapping hands emojis] like father like son”

“Bravo, Mighty KOA! [red heart, clapping hands emojis] Great job everyone!God bless this child and his Family [smiling face emoji]”

May post din si Philmar na ipinapakitang nagse-surf din ang isa pa nilang anak na si Lilo.

Wika niya sa IG, “A great day of surfing and a whole lot more with my 2 kids and their friends. A Feeling that I can’t explain.”

Habang hindi kapiling ngayon ni Andi ang kanyang mag-ama, proud niyang shinare sa Instagram Stories ang mga ibinandera ni Philmar at tuwang-tuwa sa kanyang mga anak.

“So proud of our lil guy! Finally in the water catching some waves on his own now too. Long ones at that!” sey ng celebrity mom kay Koa.

Mensahe pa niya, “Keep it up Koaboy and thanks so much to papa Philmar.”

Pinuri rin niya siyempre si Lilo na matapang nang hinaharap ang mga alon,” Lilo is now pumpin’! Hihihi. Goin’ for the bigger ones without her floaties on now too.”

Dagdag pa niya, “Raising brave kids is nerve-wracking but it is just so epic watching them try and then succeed!”

PHOTO: Screengrab from Instagram Stories/@andieigengirl

Magugunitang taong 2020 nang ma-engage sina Andi at Philmar.

Taong 2018 pa naninirahan sa isla ng Siargao ang dalawa kasama ang dalawa nilang anak na sina Lilo at Koa, pati na rin ang anak ni Andi kay Jake Ejercito na si Ellie.

Bukod sa pamilya, pinagkakaabalahan din ng soon-to-be husband and wife sa Siargao ang kanilang negosyo na surfing school at snack bar.

Read more...