Hugot ni Ogie: Walang Gen Z, Gen Z! Nasa pagpapalaki yan ng magulang!

Hugot ni Ogie: Walang Gen Z, Gen Z! Nasa pagpapalaki yan ng magulang!

Ogie Diaz

MAY point naman ang talent manager at online host na si Ogie Diaz sa naging advice niya sa isang kaibigang bading na nagsumbong tungkol sa kanyang pamangkin.

Super emo (emote) raw kasi ang beki sa kanya habang nagkukuwento sa tinulungan, sinuportahan at pinag-aral niyang pamangkin.

“‘Yung kaibigan kong bading, nagrereklamo. Nag-emote sa akin. Pinag-aral ang mga pamangkin, pero hindi niya daw mapakinabangan nu’ng nagsipagtapos ng kolehiyo,” simulang chika ni Mama Ogs sa kanyang Facebook account.

Baka Bet Mo: Andrea Brillantes, Belle Mariano pasadong ‘Gen Z’ version nina Darna at Valentina

Sabi raw sa kanya ng beki friend, “Parang obligasyon kong pag-aralin sila. Kasi normal lang ang galawan, eh. Ni pangungumusta, wala. Ni regalo kahit key chain sa Pasko o sa birthday ko, wala.


“Minsang kailangan ko ng tulong at alam kong siya ang makakatulong, ipinasa naman ako sa iba, dahil busy daw siya.

“Tapos, pag me kailangan, du’n ako kilala. Du’n malambing. Du’n tsumitsika.  Kasi nga, may kailangan,'” ang pagsusumbong raw sa kanya.

Sabi naman ni Mama Ogs, “Kaya payo ko sa kanya, tikisin niya. Para quits. Tutal, napag-aral na niya kahit hindi naman niya obligasyon.

Baka Bet Mo: Andrea may paalala sa mga Gen Z; Kyle nagpaalam kay Francine bago pumasok sa PBB

“Pag nangulit, i-rundown niya lahat yung nagawa niya noon sa pamangkin niya para mataraugan at matuto. Kahit awayin pa siya ng kapatid niya.

“Di katwiran ‘yung ‘Gen Z kasi, eh.’ Walang Gen Z, Gen Z!  Nasa pagpapalaki yan ng mga magulang kung paano nila hubugin ang kanilang mga anak para maging ‘grateful,’ mga gagah sila!

“Na-highblood?! Hahaha!” ang buong FB status ng content creator.


Agree kami sa ‘yo, Mama Ogs! Totoong-totoo! Pak na pak! Ha-hahaha! Halos lahat din ng nag-komento sa post ng online host ay sumang-ayon sa kanya.

“Nakakasad nga ung ganyan…pag sila may kailangan kababait pro pag ikaw na humingi ng tulong prang nakakahiya pa…prang dpat ba may bayad pra lang sa simpleng tulong na bibigay nila… #sadbuttrue.”

“Kaya nga pag tumulong ay wag daw mag expect ng kapalit d b? Ganyan talaga ang buhay. Ang lesson: wag 100% magbigay kung aasa kang magiging mabuti sa yo ung tinulungan mo. Tamang timpla lang. Parang KOPIKO BROWN d b Ogie Diaz? Kaya ikaw John, magsumikap kaaaa. (ala John en Marsha nung 70’s/80’s) Di ung aasa ka lang o sinwerte ka na nga na may nagmabait sa yo tapos d ka marunong magpasalamaaaat. Na-highblood din?! Hahaha!”

“Ako rin nastress habang nagbabasa. Buwisit na kamag-anak yan.”

“Agree. very well said Po sir Ogie Diaz hehhehe but depends din Po Yan,  first sa taong tinulungan if alam Po nya Ang word na Gratefulness and Gratitude Po..& .2nd sa parents Po.”

“Ang okray ng ng mga shumpangkin na yan jusko mamumura ko yan kung sa akin yan at sasampalin kopa para mataurugan.”

Read more...