BILIB na bilib ang Phenomenal Box-Office Star na si Vice Ganda sa tapang at pagiging palaban ng mga kababaihan sa kabila ng matitindi nilang pinagdaraanan.
Partikular na tinukoy ng TV host-comedian ang pagbubuntis ng siyam ng buwan at panganganak ng mga babae na isa sa mga buwis-buhay na kailangan nilang gawin para sa kanyang sarili at sa pamilya.
Sa nakaraang episode ng “EXpecially For You” segment ng “It’s Showtime” nitong nagdaang Lunes, July 8, napag-usapan ang dinaranas na hirap ng searcher na si Julieane dahil sa kanyang Polycystic ovary syndrome (PCOS).
Baka Bet Mo: Ruru bilib na bilib kay Kylie: Walang arte, walang reklamo…I will always care for you…
Ayon sa isang health website, ang PCOS ay isang complex hormonal condition ng isang babae na nauugnay sa mga problema tulad ng irregular menstrual cycle, pagbaba ng fertility, at pagtaas ng panganib ng diabetes.
Meron din mga pasyente na nagkakaroon ng mga cyst sa kanilang ovaries dahil sa kundisyong ito.
Pagbabahagi ni Juliane, “Grabe po ‘yung mood swings ko. Hindi naman ako emotional before pero like sobrang madali lang ako ma-bad trip, sobra ako madaling mapikon and minsan nga naluluha lang ako, eh. Wala namang dahilan, eh.”
At dahil sa kanyang health condition, nagkaroon sila ng hindi pagkakaintindihan ng kanyang ex-dyowa na si CJ na naging sanhi ng kanilang hiwalayan.
Ayon kay Vice Ganda, malaki ang posibilidad na hindi mag-work ang relasyon ng isang couple kapag may mga hindi pagkakaunawaan, lalo na kung may kinalaman sa kalusugan.
“Hindi lang naman PCOS, eh. Kung anong pinagdadaanan ng partner mo dapat talaga inuunawaan mo. Ang kaniyang stress.
“Yeah, dapat inuunawaan mo kasi kung hindi mo alam kung saan siya nanggaling, kung bakit siya nagkakaganoon, mamasamain mo,” pahayag ni Vice.
Aniya, sana raw ay mas habaan pa ng mga kalalakihan ang pasensya at pang-unawa sa kanilang partners na maraming isyu at pinoproblema sa kanilang katawan.
“Ang hirap ng buhay ng mga babae kaya kailangan extend tayo nang extend ng extra patience and understanding,” pagbabahagi pa ni Vice.
“Imagine mo mag-memens sila, mag-P-PCOS sila, magbubuntis sila ng siyam na buwan tapos after ng siyam na buwan, meron pa silang pangyayari sa katawan nilang pagbabago dahil sa kanilang pagbubuntis, ‘di ba?
“Grabe ang katawan ng isang babae sa sobrang nangyayari sa kanilang katawan. Kaya saludo ako sa kababaihan,” dagdag pa niya.
Patuloy pa ng komedyante, “I am so amazed and sobra akong namimisteryosohan sa katawan ng babae.
“Kung paano may nabubuhay sa katawan niyo. Kung paano nagkakaroon ng swimming pool diyan na pinapalangoy ang bata. Paano siya lumalabas na ang laki ng bata lumalabas siya sa ganoon. Sobra akong na-amaze, ang wonderful, ang galing!” ang sabi pa ni Vice.