Yassi Pressman sa tanong kung break na sila ni Gov. Villafuerte: Never!

Yassi Pressman sa tanong kung break na sila ni Gov. Villafuerte: Never!

DIRETSAHANG sinagot ng aktres na si Yassi Pressman ang tanong kung hiwalay na ba sila ni Camarines Sur Governor Luigi Villafuerte.

Lumabas kasi ang chikang break na ang dalawa dahil sa pagiging malapit ng aktres sa South Korean actor na si Kim Ji Soo.

Nitong Biyernes, July 5, nag-post si Yassi sa kanyang Instagram ng behind-the-scene video nila ng Korean superstar mula sa kanilang teleserye na “Black Rider”.

Matatandaang si Kim Ji Soo ang isa sa mga bagong karakter sa teleserye na gumaganap bilang si Adrian Park na siyang nagtuturo sa karakter ng aktres sa tamang pakikipaglaban at sa paghawak ng baril.

Baka Bet Mo: Yassi Pressman may maagang pamasko sa nabundol ng dating driver

 

Mapapansin sa naturang video na tila komportable sa isa’t isa sina Yassi at Ji Soo kaya inasar ang mga ito ng netizens sa isa’t isa.

Madami sa mga netizens ang pumiri dahil may chemistry at talagang bagay na bagay raw ang dalawa.

Isang netizen nga ang direktang nagtanong kay Yassi kung hiwalay na ba sila ng gobernador.

“Break na kau ni Governor?” tanong ng netizen.

“haha never [heart sign emoji],” sagot ni Yassi.

Matatandang noong May 23 nang huling makitang magkasama sa publiko ang dalawa nang mag-perform ang mga ito sa Kaogma Festival kung saan nag-duet sila sa kantang “Hero” ni Enrique Iglesias.

Sa naturang festival rin inamin ng gobernador ang tunay na namamagitan sa kanila ni Yassi.

“Siyempre mga taga-Camarines Sur, I want to thank the most special person in the life of your governor. Mahal, Yassi, thank you for all what you’ve done to me. Thank you for helping making this possible.

“I want to say in front of the a hundred thousand Camarinenses now, I love you, Yassi.” sey ng gobernador.

Read more...