Joross natanong sa relasyon ng KathDen: Wala kayong maaasahan sa ‘kin!

Joross natanong sa relasyon ng KathDen: Wala kayo maasahan sa 'kin!

Kathryn Bernardo, Alden Richards, Jeffrey Tam at Joross Gamboa

TIKOM na tikom ang bibig ni Joross Gamboa nang tanungin kung ano ang masasabi niya sa rumored romance sa pagitan nina Kathryn Bernardo at Alden Richards.

Feeling lucky si Joross dahil nakasama pa rin siya sa sequel ng pelikula ng tambalang KathDen na “Hello, Love, Goodbye” – ang “Hello, Love, Again” under sa Star Cinema, at mula pa rin sa direksyon ni Cathy Garcia.

Muling gagampanan ng aktor sa movie si Jhim, isa sa mga kaibigan ng karakter ni Alden sa kuwento. Kuwento ni Joross, magsisimula ang story ng “Hello, Love, Again” makalipas ang isang araw pagkatapos na pagkatapos ng huling eksena sa part 1.

Baka Bet Mo: Bakit tinawagan ni Joross si Arjo habang nasa kalagitnaan ng operasyon?

Magkakasama sina Joross, Alden at Jeffrey Tam sa Hong Kong kamakailan para sa “first leg” ng shooting ng kanilang pelikula.


“The day after lang, kapag pinanood mo part 1, pagkapanood mo part 2, konektado. Parang one day difference. Nagpabalbas pa ako noon, ginawan pa paraan buhok namin.

“Long hair kasi ako doon, sa sobrang lapit, the day after. Kaya hinabol ko pa balbas ko,” kuwento ni Joross sa panayam ng media sa naganap na 7th EDDYS awards night last Sunday kung saan isa siya sa naging presentor.

“Malungkot lang dahil nag-Hong Kong kami, kasi kaming tatlo lang. Pero sabi ni Alden ‘pag kasama kami, ngayon lang ako tumatawa nang ganito. Parang magtotropa lang kami. Super enjoy kami,” dagdag pa niyang chika.

Baka Bet Mo: Joross sa pagiging lucky charm ng blockbuster movies sa Pinas: I’m blessed

Bago matapos ang buwan, lilipad na ang aktor patungong Canada kasama ang iba pang members ng cast para sa one month na shooting.

“I am excited for second leg. One month kami sa Canada sa katapusan ng July… Itong Canada, ibang part ng story iikot. Dahil nauna Kathryn sa Canada. Direct continuation ito ng part 1 ng ‘Hello Love Goodbye,’” sey ng aktor.

Sabi ni Joross, siguradong mas maraming makaka-relate sa love story nina Ethan at Joy (Alden at Kath) sa “Hello, Love, Again.”


“Bits and pieces pa lang nakita ko sa script but maganda ‘yung story. Basta ang ganda ng pacing. Mabilis, kakapit ka talaga agad,” chika ni Joross.

Samantala, nang tanungin tungkol sa namamagitan kina  Kathryn at Alden, “Alam ninyo, wala kayo maasahan sa akin. Kahit asawa ko nagtatanong, sinasabi ko hindi ko natatanong. Hanggat ‘di ako nagtatanong unless magkwento.

“Sa Canada, one month ‘yun. Tingnan natin, mag-aano ako konting bits and pieces. Update ko kayo,” natatawang sey pa ng aktor.

Read more...