NALOKA ang model-actress at dating beauty queen na si Maureen Wroblewitz sa drama ng Hollywood actress na si Shay Mitchell.
Hindi kasi nagustuhan ni Maureen ang ginawang pagtanggi ni Shay kamakailam sa katotohanang meron siyang Filipino blood.
Pinag-usapan ng mga netizens ang kontrobersiyal na statement ni Shay na bumida sa American TV series na “Pretty Little Liars” hinggil sa kanyang pinagmulan.
Dinenay kasi ng international actress sa American TV show niyang “Thirst With Shay Mitchelle” ang kanyang pagiging Pinay. Hirit ng Canadian-born actress, “My dad’s Irish. My mom’s Spanish.”
Baka Bet Mo: Pamu Pamorada nagpa-gender reveal sa magiging anak nila ni Mitchell Hapin: ‘It’s mini me!’
Kasunod nga nito ay kaliwa’t kanang batikos ang kanyang natanggap mula sa mga netizens at na-headline pa sa mga mews websites abroad.
Base sa mga nabasa naming post, hindi maintindihan ng mga Pinoy fans kung bakit kailangang itanggi ni Michelle na meron siyang dugong Pinoy samantalang alam naman ng lahat na ang ama niyang si Mark Mitchell ay Irish, habang purong Filipino ang kanyang inang si Precious Garcia.
May mga ulat din na related si Michelle sa Broadway superstar na si Lea Salonga.
Dahil nga rito ay nagbigay ng saloobin si Maureen na isang Filipino-German, sa pamamagitan ng isang video na in-upload niya sa TikTok.
Makikita sa post ang episode ng travel show ni Shay, kung saan nga nito dinenay ang pagiging Filipino.
Baka Bet Mo: Maureen Wroblewitz may pa-soft launch ng bagong dyowa: I’m the luckiest girl in the world
Napakamot muna si Maureen sa ulo sabay sabing, “I am watching Thirst With Shay Mitchelle and she just said that her father is Irish and her mother is Spanish? Girl, I thought you were a Filipino! What?”
Sa kanyang caption, naguguluhan daw si Maureen sa naging pahayag ni Shay kasunod ng pagsasabing lucky pa rin siya dahil never siyang nakaranas ng diskriminasyon dahil sa pagiging half-Pinoy.
“Maybe I’m privileged to have never been picked on for being filipino.
“I grew up in saudi with people from all over the globe and when I was in Germany, I was the only Asian in my class,” pahayag ng Asia’s Next Top Model Cycle 5 grand winner.
“Most people in my school had never heard of the Philippines but I would be so proud to educate them. Maybe I was lucky that my classmates were actually pretty curious and open to learning.
“I grew up loving and embracing my Filipino culture thanks to my Mom. My sisters and I up to this day get so excited to hear of someone else’s Filipino background because of our Pinoy pride,” dagdag pang pahayag ng dalaga.
Dugtong pa ni Maureen, “I hope more Filipinos abroad get to heal from their trauma, learn to embrace our beautiful culture and hopefully teach their children as well. #proud at #filipino.”
Matatandaang ni-reveal ni Shay sa isang YouTube interview noong 2016, ang naranasang pambu-bully dahil sa kanyang pagiging Filipino.
Aniya, napilitan siyang itago ang kanyang pagiging Pinay para maiwasan ang mga bully. Nagkaroon din daw siya ng mga insecurity dahil sa kanyang kulay.