HINDI mahilig maglalabas si Julia Montes kaya hindi siya masyadong napagkikita ng entertainment media kahit sa mga showbiz gatherings.
Kaya naman laking-gulat namin nang makita namin siya sa nakaraang 7th EDDYS awards night nitong Linggo, Hunyo 7.
Sabi kaagad ng handler niyang si Mac Merla ng Cornerstone Entertainment, “Dahil sa EDDYS lumabas, alam mo naman ‘tong alaga ko bihira sa mga ganito (events).”
Baka Bet Mo: Julia Barretto hindi pa rin nakakausap si Dennis Padilla: There’s just so much fear inside me
Nakaupo si Julia sa harapan nang entablado nang lapitan namin para batiin at natuwa kami dahil pagkakita niya ay agad siyang bumeso at yumakap sabay sabing, “Thank you po lagi.”
Sinasabi pala ng handler niyang si Mac na lagi naming nasusulat ang aktres at ipinagtatanggol pa namin kung minsan kaya pala nagpasalamat.
Nakakatuwa dahil kahit hindi kayo nagkikita ay alam ni Julia kung ano ang mga nasusulat sa kanya at tinatandaan niya lagi.
Actually, hindi lang naman isang beses nag-acknowledge si Julia, ginagawa niya ito kapag nagkikita kami by chance sa Cornerstone office o kaya sa ABS CBN kapag nagkakasalubong.
Anyway, tinanong namin kung kumusta na siya at napangiti lamang ang aktres pero gets na niya ang ibig naming sabihin.
Baka Bet Mo: Shoot para sa bagong movie ni Coco at Julia, umaarangkada na!
Binati natin ng advance congratulations si Julia kung sakaling manalo siya dahil hindi pa inaanunsyo kung sino ang Best Actress para sa pelikulang “Five Break Ups and A Romance” sandaling magkatsikahan kami.
Kaya naman nang manalo ay sobrang tuwa niya at maging ang handler niyang si Mac ay hindi napigilang mag-post sa kanyang social media account.
“MAY BEST ACTRESS NA AKO!
“Congratulations Julia Montes for winning the top awards last night at The Eddys!
*Best Actress for Five Breakups and A Romance
*Box Office Hero Award for Five Breakups and a Romance
“I saw your hard work, skills and dedication for this movie. Grabe ang pagtaya at pagtitiwala mo sa materyal kaya napakadami mong first time sa pelikulang ito.
“You are the easiest to work with, always very professional, never late, the kindest to everyone, always bringing a positive energy to the set. You are truly an actor’s actor.
“I am so proud to be with you on this journey, Juls! Simula pa lang ito! Congratulations and I love you! (red heart emoji).”
Totoo naman ang sinabi niyang hindi mahirap ka-work si Julia at propesyonal.
Samantala, hindi naman itinanggi ng aktres na sa lahat ng journey na tinahak niya ay naroon si Coco Martin na kahit hindi aminin ay alam namang magkarelasyon sila, sabi nga “what you see is what you get.”
Sabi ni Julia sa panayam sa kanya pagkatapos manalo, “Lagi po siyang (Coco) supportive lahat naman po ng napuntahan ko ngayon ay parte naman po siya dahil una po ang Walang Hanggan (2012) siya po ang nakasama ko ro’n hanggang nu’ng nag-eekstra pa lang po kami, kami na rin ang magkasama, so, parte na rin po talaga siya ng naging journey ko.”
Edad 17 pa lang si Julia nang magkasama sila ni Coco sa “Walang Hanggan” na naging daan para lalong umusbong ang karera ng aktres.
At sabi nga niya sa pagkilala sa kanya ng The EDDYS bilang best actress ay mas ganado siyang magtrabaho ngayon.
Congratulations Julia!