Shoot para sa bagong movie ni Coco at Julia, umaarangkada na! | Bandera

Shoot para sa bagong movie ni Coco at Julia, umaarangkada na!

Reggee Bonoan |July 16,2021
facebook
share this

Shoot para sa bagong movie ni Coco at Julia, umaarangkada na!

Reggee Bonoan - July 16, 2021 - 03:37 PM

KUMPIRMADONG nagso-shoot nga ng indie movie sa Pola, Mindoro ang rumored couple na sina Coco Martin at Julia Montes directed by Brillante Mendoza.

Ayon sa handler ni Julia na si Mac Merla ng Cornerstone Entertainment, Inc, “Hi Reggee, yes may indie movie sila for release next year.”

Sa tanong namin kung may title na at kung isasali ito sa Film Festival sa ibang bansa lalo’t kilala si direk Brillante na lahat ng pelikula niya ay sa ibang bansa muna ito ipinalalabas.

“No idea if pang film fest abroad, but ang sinabi sa akin is they will release this next year.  Wala pa pong title,” sagot sa amin ni Mac.

At talagang nagbubunyi ang CocoJuls4ever supporters nina Coco at Julia dahil ang dami nilang pinost na mga larawan ng dalawa habang nagso-shoot at ilang behind the scenes din.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Coco and Julia (@cocojuls4ever)

Ginagampanan ni Coco ang isang pulis at base sa tingin naming kasuotan ni Julia ay isa siyang maestro o guro sa kuwento.  Nakunan ng video ang aktor na nagmo-motor, may mga angkas na 2 batang estudyante at nasa likod naman ang aktres.

Hmm, hindi ba bawal ang apatan sakay sa motor, hehehe.  Hindi ba iti ipinagbabawal sa nasabing bayan?  May nag-komentong netizen, “walang helmet?”

Kalma lang, pelikula lang ito at paniguradong sumailalim naman ang casts at crew sa health protocols ng local government unit ng Pola.

Anyway, ang caption ng CocoJuls4ever sa mga larawan, “Si Mamang Pulis at Si Madam Teacher.

“OMAYGAAAAHD!!! Di ko na alam kung paano ba kumalma. Deserve nila ‘tong project na ‘to. Ang tagal nating naghintay.

“Salamat sa source na ayaw magpa-mention. Marami kaming nagmamahal sa’yo. Ang daming biyaya.”

Nakakatuwa dahil habang naghihintay ng take ay naka-upo sina Coco at Julia sa mahabang monoblock ay kinunan ng video at ginawan ng kuwento ng fans.

Sabi ng @cocojuls4ever, “Paano ba mag-alaga ang isang Julia Montes without having a matinding “public display of affection?”

“Julia: Deng, pinagpapawisan ka na. Heto towel oh, magpunas ka
Coco: Salamat, Mara. Labyu!

(Char lang yang dialogue. Malay ba natin kung ano pinag-uusapan nila. Pero towel nga ba yun o panyo? Basta pamunas ng pawis).

At habang sinusulat namin ang balitang ito ay kakapost lang na nakunan ang dalawa sa bubong na nagkukuwentuan.

Ang caption ay, “Good morning!!! Akalain mo ‘yun, nakaabot na sa “bubong”. Char! Ingat sa pagbaba ha @cocojulbukayo.”

May nabasa rin kami na sana may Pinoy version ang pelikula nina Brad Pitt at Angelina Jolie na “Mr. and Mrs Smith” at sana sina Coco-Juls ang gumanap.

Sabi ni @zynkha1432, “Sana merong Mr & Mrs Smith na pinoy version tapos silang dalawa ang gaganap.” At marami ang nag likes nito.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

At habang tinitingnan namin isa-isa ang mga larawan at binabasa ang mga komento ay nakangiti pala kami, ano ba ‘yun?

Oo nga may kilig ang Coco-Juls ha, ha, ha.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending