Song Joong-ki, Katy Louise Saunders magkaka-baby ulit, true?

Song Joong-ki, Katy Louise Saunders magkaka-baby ulit, true ba?

Katy Saunders, Song Joong-ki

LUMALAKI na ang pamilya ng sikat na South Korean actor na si Song Joong-ki!

Magkakaroon na kasi siya ng second baby sa kanyang misis na English actress na si Katy Louise Saunders.

Ang exciting news na ‘yan ay kinumpirma mismo ng talent agency ng aktor na HighZium Studio.

Sa pamamagitan ng Korean media outlet na Sports Chosun, sinabi ng ahensya na: “Actor Song Joong Ki is becoming a father of two.”

Baka Bet Mo: Dimples Romana personal na na-meet si Song Joong Ki, may selfie pa

Magugunitang January last year nang ikinasal ang couple at makalipas ang limang buwan ay isinilang na ang first baby nila.

Sa isang interview, ibinunyag ni Joong-ki na nanganak ang kanyang misis sa Rome, Italy –isang buwan matapos dumalo ang Korean star sa Cannes Film Festival.

Inihayag niya rin na ang pagkakaroon ng pamilya ang matagal na niyang “biggest dream.”

Matatandaang lumitaw ang mga espekulasyon na nakikipag-date si Joong Ki kay Katy matapos ito banggitin ng aktor sa APAN Star Awards ceremony sa South Korea noong September 2022.

Hiwalay ang Korean star sa dating asawa na si Song Hye Kyo.

Matatandaang nagsimula ang pag-iibigan ng dating married couple nang magtambal sila sa 2016 hit drama na “Descendants of the Sun.”

Taong 2017 nang ikinasal sina Joong-ki at Hye Kyo sa Seoul, South Korea, pero noong 2019 ay nag-divorce na sila.

Bukod sa nabanggit na K-Drama, sumikat din ang aktor sa ilang pinagbidahan na serye kagaya ng “Vincenzo,” “Reborn Rich,” at “Arthdal Chronicles.” 

Samantala, si Katy naman ay kilala sa kanyang pagganap sa 2003 “The Lizzie Mcguire” movie at “The Borgia.”

Read more...