NAG-UUMAPAW ang kaligayahan ni Myrna Esguerra matapos masungkit ang titulo at korona bilang Binibining Pilipinas International 2024.
Sa 60th edition ng Binibining Pilipinas, ito ang kauna-unahang pagkakataon na nagkaroon ng representative ang probinsya ng Abra sa naturang pageant at in fairness, unang try pa lang, winner agad.
Baka Bet Mo: Carla natagpuan na ang tunay na kaligayahan: Saka mo siya malalaman kapag mag-isa ka na…
Sa panayam ng media kay Myrna, sinabi nitong hindi niya talaga in-expect na siya ang kokoronahan bilang bagong Binibining Pilipinas International dahil lahat daw ng naging finalists sa ginanap na grand coronation ay magagaling at deserving magwagi.
“I don’t know how to feel, honestly. I cannot believe that this is really happening because I’m just really praying that I will enjoy everything in this competition. And now, I have a crown!” sabi ng beauty queen.
“This is more than what I prayed for. This is really too much for me at the moment. And I’m just really so happy and emotional at the same time,” aniya pa.
Dagdag pang chika ni Myrna, “Can you believe it? It’s the first time that Abra province was represented here in Binibining Pilipinas, and we got our first crown on our first try!”
Baka Bet Mo: Carla natagpuan na ang tunay na kaligayahan: Saka mo siya malalaman kapag mag-isa ka na…
Sa kanyang pagkapanalo, hiling ng dalaga na magsilbi rin siyang inspirasyon sa lahat ng kabataan sa Abra na huwag na huwag hihinto sa pag-abot sa kanilang mga pangarap.
“Abrauenos, you can do so much if you just believe, really! Thank you to everyone who supported me for the very first day,” sabi ng dalaga.
Si Myrna ang magiging representative ng bansa sa gaganaping Miss International pageant sa darating na November 12 sa Tokyo, Japan.
Sa 60th anniversary ng pageant, binigyang-pugay ang mga past winners na sumali simula noong 1964. Mahigit 100 crowned queens ang dumalo sa grand coronation night sa Araneta Coliseum.
Naroon ang apat na Miss Universe ng bansa, sina Miss Universe 1969 Gloria Diaz, Miss Universe 1973 Margie Moran, Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach at Miss Universe 2018 Catriona Gray.
Naging host ng event si Catriona, kasama sina Miss Grand International 2016 1st Runner Up Nicole Cordoves, Miss Universe 2014 semifinalist MJ Lastimosa, Miss International 2016 Kylie Versoza at Miss World 1993 2nd Runner Up Ruffa Gutierrez.