Julia shookt sa Best Actress award sa The EDDYS; bibida sa bagong serye

Julia shookt sa Best Actress award sa The EDDYS; bibida sa bagong serye

Julia Montes

MALUHA-LUHA si Julia Montes nang tawagin ang kanyang pangalan bilang Best Actress sa 7th The EDDYS o Entertainment Editors Choice kagabi, July 7.

Wagi si Julia para sa natatangi niyang pagganap sa pelikulang “Five Breakups And A Romance” kung saan nakatambal niya ang Asia’s Multimedia Star na si Alden Richards. Naka-tie niya si Charlie Dizon para naman sa pelikulang “Third World Romance.”

Ayon kay Julia, hindi raw talaga niya in-expect na mananalo siya sa awards night ng The EDDYS dahil napakagagaling din ng ibang nominees, tulad nina Maricel Soriano, Vilma Santos at kaibigang si Kathryn Bernardo.

“Nominado pa lang ang sarap na sa pakiramdam, itong parangal ngayon sobrang nakaka-inspire mas lalo ko pang pagbubutihan,” ang bahagi ng speech ni Julia.

Baka Bet Mo: Jed, Ogie, Rampa Reynas, 2 pang young artist eeksena sa 7th EDDYS

Bukod sa kanyang pamilya at sa buong production ng “Five Breakups And A Romance”, special mention ni Julia ang yumaong TV executive at Dreamscape Entertainment head na si Deo Endrinal.

“Hindi ko makakalimutan si Sir Deo sa Lahat ng roles na ibinigay sa akin. First adult roles na serious roles siya ang nag-motivate sa akin. Siya ang unang naniwala sa akin.


Naibahagi rin ni Julia na may mga naka-line up na siyang bagong projects para ngayong taon, at isa na riyan ang gagawin niya para sa Dreamscape.

“The story itself, marami i-tackle, na lessons. It has lessons sa bawat isa. It is not just a teleserye or series. Yun ang dapat abangan, malapit na kaming mag-shoot,” sey ng partner ng Teleserye King na si Coco Martin.

“Besides napakaganda ng proyekto, ipinangako ko kay Sir Deo. So it is really close to my heart  Supposedly, last year pa dapat i-shoot pero inaantay nila ako,” aniya pa.

In fairness, ang ganda-ganda at ang fresh ngayon ni Julia. Nabawasan na rin siya ng timbang na mukhang kinarir talaga ang pagpapapayat para sa next acting project niya.

Bago um-attend si Julia sa ika-7 edisyon ng The EDDYS kagabi ay nakatanggap pa siya ng flowers mula kay Coco kaya ang biro sa kanya ng press na nag-interview sa kanya after ng event, swerte raw ang pa-bulaklak ng kanyang partner.

Read more...