Jean single pa rin, mas happy na mag-isa: Ayoko na uli masaktan!

Jean single pa rin, mas happy mag-isa: Ayoko na uli masaktan!

Ervin Santiago - July 08, 2024 - 07:44 AM

Jean single pa rin, mas happy na mag-isa: Ayoko na uli masaktan!

Jean Garcia

ILANG taon nang single ngayon ang award-winning Kapuso actress na si Jean Garcia at hindi naman daw niya nami-miss ang magkadyowa.

Feeling ng isa sa mga iconic contravida sa Philippine showbiz, okay na okay siya ngayon kahit walang lalaki sa kanyang buhay.

Sa guesting ng seasoned actress sa “Fast Talk with Boy Abunda”, natanong siya kung ano ba ang status ng kanyang personal life —single ba siya ngayon? “Yes. Very much,” mabilis na tugon ni Jean.

Baka Bet Mo: Mom ni Jean Garcia, pumanaw na sa Covid-19

Sundot na tanong ni Tito Boy, nami-miss ba niya ang ma-in love? “Parang hindi. Sorry Kuya Boy, I’m just being honest. Parang mas masaya akong mag-isa. Mag-isa na kasama ang mga anak ko.

“Hindi ko alam kung nakasanayan na lang or siguro mas tinanggap ko na lang. Kasi ayoko na ulit masaktan,” pag-amin ni Jean.

Happy naman daw siyang kasama ang kanyang pamilya at mga kaibigan at tanggap na niya kung hindi na siya magmamahal uli at magkakaroon ng dyowa.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Jean Garcia (@chic2garcia)


“Saka hindi na ako ‘yung sa hindi ako ready or I’ll find the right person. Kung darating, darating.

Baka Bet Mo: Vice Ganda miss na ng madlang pipol; Mylene masaya sa muling pagbabalik bilang Kapamilya

“Pero kung hindi, it’s okay. Because I am happy with the people na, ‘yung mga kaibigan ko na trusted ko, my ‘person’ na kaibigan ko na puwede akong mag-vent out. My family, my children, may apo na ako, dalawang babae,” ani Jean.

Natutunan na rin daw niya ngayon ang mas mahalin ang sarili, “Hindi ko naman sinasabi na hindi ako magkakamali ulit, pero ngayon mas natuto talaga at mas binabalikan ko ‘yung mga past na nangyari sa akin.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Kaya siguro better person, mas strong, mas mahal ang sarili,” dugtong ng aktres.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending