Bb. Pilipinas 2024 star-studded, higit 100 queens nagsama onstage
BONGGA at star-studded ang opening ng Binibining Pilipinas grand coronation night na ginanap sa Smart Araneta Coliseum sa Quezon City.
Bilang kasabay nga nito ang ika-60th anniversary, mahigit 100 queens ang nagsama-sama sa iisang entablado!
Kinilala sa event ang ilang reyna na nagbigay karangalan at nag-uwi ng korona mula sa sinalihan nilang international pageants.
Ilan lamang sa mga tinawag at rumampa sa stage ay ang Miss Universe winners na sina Gloria Diaz, Margie Moran, Pia Wurtzbach at Catriona Gray, pati na rin ang Miss International winners na sina Bea Santiago, Kylie Verzosa, at Melanie Marquez.
Kasabay rin niyan ang pasabog na opening performances nina Martin Nievera, Gary Valenciano at Pinoy pop king SB19!
Baka Bet Mo: 40 patalbugan sa Bb. Pilipinas 2024, Rhea Tan official partner pa rin
Pagkatapos ng epic reunion ng Binibining Pilipinas queens, sinundan naman ito ng opening performance ng 40 candidates ng taong ito.
Sumayaw sila sa mashup songs ng “Diamond” ni Rihanna” at ang “Diamonds Are Forever” ni Shirley Bassey.
Kasunod niyan ay bumandera na rin ang all-female hosting team ng grand coronation night na binubuo nina binubuo ng all-female hosting team na sina Miss Universe 2018 Catriona Gray, Miss Grand International 2016 first runner-up Nicole Cordoves, Bb. Pilipinas Universe 2014 Mary Jean Lastimosa, Miss International 2016 Kylie Verzosa at Miss World 1993 princess Ruffa Gutierrez.
Sino kaya ang makakapag-uwi ng mga titulong Bb. Pilipinas International at Bb. Pilipinas Globe?
Ang maswerteng mananalo ay may tig-P1 million, habang ang runners-up ay tatanggap ng tig-P400,000!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.