Pakiusap ni BINI Aiah: Respect our personal time and our humanity

Pakiusap ni BINI Aiah: Respect our personal time and our humanity

PHOTO: Instagram/@bini_aiah

MAY mahabang mensahe sa social media si Aiah Arceta, ang isa sa miyembro ng nation’s P-Pop girl group na BINI.

Ito ay tungkol sa kanyang recent Cebu trip, pati na rin ang kanyang panawagan sa madlang pipol.

Sa Instagram Story, ipinaliwanag ni BINI Aiah kung bakit hindi siya naging aktibo sa socmed kamakailan lang.

“I haven’t been active lately on social media and I haven’t been very responsive to messages, even from some of my family and friends. The truth is, a lot of things have been happening lately, and I just needed some time and space to process them,” pag-amin niya.

Kasunod niyan, pinasalamatan niya ang lahat ng naging kind, understanding at patient sa kanya.

“I am blessed to have people like them, and I hope we can continue to have eyes that can see the good, mouths that can speak what’s right, and ears that can listen and understand,” mensahe niya.

Baka Bet Mo: #SerbisyoBandera: BINI Maloi namigay ng P1k para sa pamasahe ng fan

Nag-open up din siya tungkol sa kanyang bakasyon sa Cebu upang makapag-destress, mag-relax at mag-enjoy sana kasama ang pamilya at mga kaibigan.

Naging masaya raw siya, pero may mga pagkakataon na na-i-invade ang kanyang privacy at personal space.

“Some would directly run up to me, grab a photo (even while I was eating), post it in real-time, use my face and post it on pages or places for the sake of clout and publicity without my consent, and worse, some would even include the real-time location, which I don’t think is safe,” kwento ng Pinoy pop idol.

Nilinaw niya na gusto niyang makipag-picture at ma-meet ang ibang tao o kanilang fans, pero ayon sa kanya: “I just hope that people also see and respect us as human beings.”

Sana raw maintindihan na minsan lang sila magkaroon ng personal time kasama ang mga mahal sa buhay, lalo na’t sobrang busy ng kanilang schedule.

Bukod diyan, nanawagan din siya sa lahat na: “To be kinder, with their words and actions, especially when expressed online.”

“You never know how much it could take a toll on somebody and affect them on a daily basis. I hope we can fill this world with love, respect, and positivity,” aniya pa.

PHOTO: Instagram Story/@bini_aiah

Recently lamang, nanawagan ang Star Magic Head na si Direk Lauren Dyogi sa publiko na bigyan rin ng paggalang ang personal na buhay ng mga dalaga at ang kanilang personal space.

Sunud-sunod kasi ang mga naglalabasang balita at insidente kung saan makikita ang mga BINI girls ay nabubulabog habang ito ay nakikipag-bonding sa kanilang pamilya at mga kaibigan in public.

Sana raw ay alalahanin ng fans na kailangan rin magpahinga at mag-unwind ng mga ito dahil sa naging hectic schedule sa nagdaang mga buwan at mas magiging busy pa sila sa mga susunod na araw.

“Tao rin po sila. Kailangan din po nilang makisalamuha sa ibang tao. At nakiusap po ako sa mga Blooms at sa mga iba pa pong supporter nila, alam ko excited kayong makita sila,” saad ni Direk Lauren.

Read more...