Vanessa Hudgens nanggigil sa paparazzi matapos manganak, anyare?

Vanessa Hudgens nanggigil sa paparazzi matapos manganak, anyare?

PHOTO: Instagram/@vanessahudgens

ISA nang tunay na mommy ang Filipino-American singer-actress na si Vanessa Hudgens!

Isinilang na kasi niya ang first baby nila ng mister na si Cole Tucker.

Ang masayang balita ay ibinandera niya sa social media, pero kasabay niyan ay tila nanggigil din siya sa mga paparazzi na nag-leak ng ilang litrato nila ng kanyang baby.

Sa Instagram Story, naglabas ng sama ng loob si Vanessa dahil na-invade daw ang kanilang privacy.

Baka Bet Mo: Vanessa Hudgens tumangging sagutin ang ilang tanong ni Boy Abunda: ‘Kapag hindi mo sinagot, hindi ako namimilit…I don’t push it’

“We’re disappointed that our family’s privacy was disrespected and exploited during this very special time due to the greed of a long-lens camera feeding the media,” caption niya sa post.

Pero dagdag niya, “Despite all that, mom, dad, and baby are happy and healthy.”

PHOTO: Instagram Story/@vanessahudgens

Noong July 3 nang inilabas ng TMZ at Page Six ang pictures ni Vanessa na naka-wheelchair at buhat ang kanyang newborn baby habang paalis na ng ospital.

Kung maaalala, nitong Marso lamang nang ibinandera ng international actress ang kanyang pagdadalang-tao nang dumalo siya sa red carpet ng Oscars at kitang-kita ang kanyang baby bump.

Makalipas ang isang buwan, ibinahagi ni Vanessa na excited na siyang ipakita sa kanyang future kids ang mga pelikula at serye na kanyang ginawa.

“That’s why I chose things along the way in my career. I wanted to make sure that when I did have kids, there would be something for them to watch at every age,” sey niya.

December last year nang ikinasal ang first time mom sa kanyang mister na si Cole.

Paglalarawan pa nga niya sa dating interview, “magical” ang kanilang wedding.

Samantala, naging usap-usapan recently ang naging reaksyon ng ex-boyfriend niyang si Zac Efron nang malaman na buntis si Vanessa at ang isa pa nilang katrabaho na si Ashley Tisdale.

“They’re going to be the best moms ever. Those girls, are you kidding me? We’re going to have some fun family reunions coming up,” wika ng aktor.

Matatandaang naging magdyowa sina Vanessa at Zac noong 2005 hanggang 2010 matapos magtambal sa hit movie na “High School Musical.”

Read more...