Jane, RK magsasama sa horror film na ‘Paramdam’, fans excited na

Jane, RK magsasama sa horror film na ‘Paramdam’, fans excited na

PHOTO: Instagram/@regalfilms50

ABALA sa upcoming project ang real-life celebrity couple na sina Jane Oineza at RK Bagatsing.

Ayon sa anunsyo ng Regal Films, bibida ang dalawa sa horror movie na may titulong “Paramdam.”

Makikita sa Instagram ang ilang litrato na kuha mula sa naganap na story conference at test look.

Kasama nina Jane at RK ang ilang co-stars kagaya nina Miggs Cuaderno at Jorrybell Agoto, pati na rin ang magsisilbing direktor ng pelikula, ang bagong Film Development Council of the Philippines (FDCP) chairman na si Joey Javier Reyes.

Ayon sa IG post, ang shooting ng upcoming movie ay gagawin na this year!

Baka Bet Mo: Jane Oineza ipinagdarasal na si RK Bagatsing na ang ‘forever’: ‘Hindi naman ako pumapasok sa isang relationship na laro-laro lang’

Sa comment section, maraming fans ang nagpapasalamat at tila excited na sa bagong proyekto ng kanilang iniidolo.

Narito ang ilan sa mga nabasa namin:

“Yeheyyyy may bagong project ang RKane idol namin. God bless always and more blessings to come @janeoineza @bagatsingrk”

“Forever grateful to the Monteverde family @regalfilms50 for another blessing for @itsJaneOineza @bagatsingrk @RKANE [clapping hands, red heart emojis]”

“Congratulations idol @janeoineza. Sana magkaroon ka ulit ng teleserye na panghapon katambal mo si Sir RK Bagatsing”

“Thank you Regal for loving RKane especially Jane Oineza she deserves love”

“Thank you sa inyo po lahat for loving RKane!”

Kung matatandaan, ang huling horror film nina Jane at RK na magkasama ay ang trilogy film na “Shake Rattle and Roll Xtreme.”

Sa mga nagdaang interview, inamin ng dalawa na fan na fan sila ng horror films at nag-eenjoy silang gumawa ng ganitong klase ng pelikula.

Read more...