KNOWS niyo na ba ang mga ganap sa inaabangang grand coronation ng Binibining Pilipinas 2024?
Mamayang gabi na, July 7, malalaman kung sino-sino ang mga bagong magrereyna!
Mangyayari ang inaabangang event sa Smart Araneta Coliseum sa Araneta City, Quezon City.
At bilang ipinagdiriwang din ang ika-60th anniversary ng national pageant, ito rin ang magsisilbing grand reunion kung saan mahigit isandaang Binibining Pilipinas queens ang dadalo sa okasyon.
Girl power ang mangunguna sa show na binubuo ng all-female hosting team na sina Miss Universe 2018 Catriona Gray, Miss Grand International 2016 first runner-up Nicole Cordoves at Bb. Pilipinas Universe 2014 Mary Jean Lastimosa.
Baka Bet Mo: Miss International Andrea Rubio eeksena sa Bb. Pilipinas 2024
Makakasama rin nila sina Miss International 2016 Kylie Verzosa at Miss World 1993 princess Ruffa Gutierrez.
All-male squad naman ang magbibigay kilig sa madlang pipol na binubuo nina Martin Nievera, Gary Valenciano, TJ Monterde, Maki at P-Pop kings SB19.
40 contenders ang maglalaban-laban para makuha ang titulong Bb. Pilipinas International at Bb. Pilipinas Globe.
Ang tutulong sa pagpili sa bagong Bb. Pilipinas International ay si reigning Miss International Andrea Rubio na dumating ng Pilipinas nitong linggo.
Ang mapipili nila para sa nasabing title ay nakatakdang mag-compete next year sa 63rd Miss International pageant.
Maswerte rin ang mga tatanghaling winners ngayong taon dahil sila ang kauna-unahang magsusuot ng mga bagong korona na ginawa ng renowned jewelry and accessories designer na si Manny Halasan.
Ang kanyang inspirasyon sa mga korona ay ang logo ng Binibining Pilipinas.
Bukod diyan, ang dalawang bagong reyna ay makakatanggap ng tig-1 million pesos na premyo!
Habang ang runners-up ay mag-uuwi ng tig-400,000 pesos.
Mabibigyan din ng P1-million grant mula sa BPCI ang World Vision Philippines.
Ang 2024 Bb. Pilipinas Grand Coronation Night ay mapapanood sa TV5, A2Z, Kapamilya Channel, Metro Channel, pati na rin sa online streaming ng Bb. Pilipinas YouTube channel and iWantTFC, simula 9:30 p.m.