Barbie kinikilig kapag nagse-send si Jak ng mga wedding video

Barbie kinikilig kapag nagse-send sa kanya si Jak ng mga wedding video

Jak Roberto at Barbie Forteza

“UNBREAKABLE” na ang pagmamahal ng Kapuso Primetime Drama Princess na si Barbie Forteza para sa kanyang boyfriend na si Jak Roberto.

Muling ibinandera ni Barbie sa buong universe ang abot-langit na pagmamahal niya kay Jak sa gitna ng pagsi-ship sa  kanila ng kanyang leading man na si David Licauco ng kanilang fans.

Sa katunayan, buong-ningning na inamin ng dalaga na napag-uusapan na rin nila ni Jak ang tungkol sa pagpapakasal.

Baka Bet Mo: Barbie sa pagmo-motor ni Jak: Sasabihin niya, ‘Mas madaling mag-sorry kesa magpaalam,’ kaya ginagawa niya muna tapos nagso-sorry

Naikuwento ni Barbie sa nakaraang episode ng “Fast Talk with Boy Abunda”  ang pagpapadala sa kanya ni Jak ng video tungkol sa iba’t ibang klase ng wedding.


“Kinikilig ako kapag nagse-send siya sa akin ng wedding videos sa Instagram. Sabi ko, ‘Okay.’ So pumapasok sa isip niya. Tapos sine-send niya sa akin, he wants to get involved in that area,” pahayag ni Barbie.

Baka Bet Mo: Barbie Forteza todo flex kay Jak Roberto, tinawag na ‘tahanan’ ang aktor

“Kasi ‘di ba, ang boys ayaw nilang nagpa-plan ng wedding,” aniya pa.

Kasunod nga nito, nabanggit na hindi na matitibag ang pagmamahal nila ni Jak para sa isa’t isa dahil feeling niya, napakasolid na ng foundation ng kanilang relasyon.

“The kind of love that I want and that I think I have na, is something that’s unbreakable, I feel like,” ayon pa sa Kapuso star.

At tungkol naman sa loveteam nila ni David, sinabi ni Barbie na todo rin ang suporta sa kanila ni Jak.

Secured na secured daw ang aktor sa kanilang relationship kaya walang dahilan para magselos ito.

Read more...