Thai celebrity couple Baifern, Nine ‘friends’ pa rin kahit hiwalay na

Thai celebrity couple Baifern, Nine 'friends' pa rin kahit hiwalay na

Baifern Pimchanok, Nine Naphat

NANANATILI pa ring magkaibigan ang Thai stars na sina Baifern Pimchanok at Nine Naphat matapos maghiwalay kamakailan lang.

Halos mangiyak sa lungkot si Nine nang ibalita niya sa madlang pipol ang tungkol sa kanila ni Baifern na ngayon ay ex-girlfriend na niya.

“We’ve stepped back to be friends. We are not angry at each other. We only have good intentions towards one another,” sey niya sa Thai media.

Paglilinaw pa niya, “There is no third party for sure.”

“I don’t regret anything that happened. In my heart, she is the best woman,” wika pa ng aktor.

Baka Bet Mo: Joshua Garcia matapos i-unfollow ni Bella Racelis sa Instagram: I think OK kami

Hindi idinetalye ni Nine, pero nabanggit niya na isa sa rason ng kanilang break up ay ang kanyang ina.

“It’s my fault that I couldn’t balance my relationships well,” saad niya na tinutukoy ang relasyon niya sa kanyang ina at dating dyowa.

Dagdag pa niya, “Baifern is lovely; [I’m] grateful to her family; she always prioritizes other people’s feelings rather than hers. She is a great person, having worked in the show biz for more than 20 years, who is always sincere with everyone.”

Tiniyak din ng aktor na mananatili ang ugnayan nila ng aktres.

Noong Mayo lamang nang ibandera ni Nine sa isang Instagram post na may pinagdadaanan siyang problema.

Humingi pa nga siya ng oras sa fans na magpaliwanag bilang nagsisimula nang kumalat ang “breakup rumors” sa relasyon nila ni Baifern.

Matatandaang nagtambal ang dalawa sa 2019 romantic comedy movie na “Friendzone” at 2022 TV series na “A Tale of Ylang Ylang.”

Samantala, taong 2010 nang sumikat at nakilala si Baifern dito sa Pilipinas bilang “Nam” sa romantic comedy film na “A Crazy Little Thing Called Love” kasama si Mario Maurer.

Read more...