Janella aminadong nagka-‘crush’ noon sa babae: ‘Love is for everybody!’

Janella aminadong nagka-‘crush’ noon sa babae: ‘Love is for everybody!’

PHOTO: Instagram/@superjanella

ALAM niyo na ba kung sino ang naging inspirasyon ni Janella Salvador sa viral niyang  “Hey You” music video?

Ayon sa kanya, ito ay dahil sa naging “girl crush” niya in the past.

Ibinunyag ito mismo ng aktres nang maging guest siya sa Yes FM Manila with radio host Lyka Barista noong July 4, kung saan naging topic ang nasabing MV.

Unang nagpasalamat si Janella sa lahat ng tumulong upang mabuo ang regalo niya para sa LGBTQ community.

“Hindi ko ito magagawa if not for the people who supported me dito sa music video…the whole production team, actually. Most of them are my friends and when I told them about the project, na-excite sila. A lot of them are part of the [LGBTQ] community as well, so everyone got excited for it,” kwento niya.

Baka Bet Mo: Jane De Leon, Janella Salvador ‘excited’ na sa first movie together

Sey pa ng aktres, “And of course, ‘yung mga vadeng na tuloy-tuloy na nag-stream ng ‘Hey You’ kaya umabot sa trending list ng YouTube, thank you so much!”

Kasunod niyan, naitanong siya ng radio host kung nagka-crush na ba siya sa kapwa-babae.

Diretsahan niyang sagot, “Of course!”

“Hindi mabubuhay ang [‘Hey You’] music video [kung hindi]. Since it was my concept, I wanted it to be as personal as possible,” chika niya.

Sey pa ni Janella,  “Eh galing akong all girls school, so ‘yun ang nilagay ko sa music video.”

Magugunitang marami ang kinilig sa sorpresa ng aktres kasabay ng Pride Month kung saan inilabas niya ang music video ng latest niyang single at doon ay nakatambal niya si Jane De Leon.

Mapapanood sa video na tungkol ito sa dalawang magkaklase na may lihim na pagtingin sa isa’t-isa hanggang sa nag-first move na si Jane at doon na nagsimula ang kanilang kilig moments.

Sa dulo nito ay may iniwan pang mensahe si Janella na ang sabi ay, “Love is love, regardless of who it finds.”

Nang tanungin naman siya sa interview kung ano ang advice niya sa mga GL o girl love relationships na nahihiyang mag-open.

“I think in this day and age, kung hindi ka pa rin okay sa ganun, what are you even doing? Like, why?” sambit ni Janella.

Patuloy niya, “Wala namang problema eh, love is love. Love is for everybody and you can love whoever you want to love and be attracted to who you wanna be attracted to.”

“There’s nothing wrong with that,” aniya pa.

Read more...