Zanjoe nagpa-practice maging daddy, sey ni Sylvia: Pwede na 'nak!

Zanjoe nagpa-practice maging ‘daddy’, hirit ni Sylvia: ‘Pwede na ‘nak!’

Pauline del Rosario - July 04, 2024 - 02:37 PM

Zanjoe nagpa-practice maging ‘daddy’, hirit ni Sylvia: 'Pwede na 'nak!'

PHOTO: Screengrab from Facebook/Zanjoe Marudo

MUKHANG handang-handa na ang aktor na si Zanjoe Marudo na maging ama!

Good vibes ang hatid niya sa social media na makikitang nagpa-practice na siyang maging hands-on father, lalo na’t malapit nang manganak ang kanyang misis na si Ria Atayde.

Sa Instagram, mapapanood ang isang video na nasa gym ang aktor at buhat-buhat ang isang malaking dumbbell na tila may kinikilik na baby.

“Conditioning to be Zaddy,” proud niyang caption.

Baka Bet Mo: Zanjoe sa mga cheater: Itutuloy mo ba o iisipin mo ‘yung mga taong masasaktan at matatapakan mo?

May post din ang kanyang mother-in-law na si Sylvia Sanchez na tawang-tawa sa isa pang video ni Zanjoe na buhat naman ang alagang pusa na ginawa ring baby.

Ayon kay Sylvia, ready nang maging ama ang asawa ng kanyang anak.

“Meron na nagpapractice hahaha pwede na nak [baby emojis],” wika ng batikang aktres.

Chika pa niya, “Ang halakhak ko habang pinapanood ka [@onlyzanjoemarudo]. Sarap na sarap naman sa pagkakaugoy mo si Yoda hahaha.”

Kasunod niya, sinabi ni Sylvia na natutuwa siyang masaya ngayon ang soon-to-be parents.

“Malamang hindi ka na aalis ng bahay niyo ni [Ria] pagwala kang trabaho, ‘pag lumabas na si little boss ko,” sambit ng veteran Kapamilya actress.

Mensahe niya, “Ramdam ko ang kasiyahan niyong mag asawa. Love you both.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Sylvia Sanchez (@sylviasanchez_a)

Magugunitang nitong Marso nang mangyari ang civil wedding nina Zanjoe at Ria sa Quezon City makalipas ang ilang buwang engaged.

Ang wedding reception nila ay star-studded, kabilang na sina Kathryn Bernardo, Enchong Dee, Darren Espanto, Daniel Padilla, Joshua Garcia, at marami pang iba.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Noong nakaraang buwan naman kasabay ng Father’s Day, inanunsyo ng couple na magkakaroon na sila ng baby.

Taong 2017 nang magsama ang married couple sila sa fantasy TV series na “My Dear Heart.”

Makalipas ang apat na taon, biglang nagsulputan ang “dating rumors” at taong 2022 nang kumpirmahin ni Sylvia ang real score ng dalawa.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending