SA Araw ng Kalayaan ng Pilipinas, nagsagawa si Sam “SV” Verzosa ng sunud-sunod na malalaking proyekto ng pagtulong sa mga kababayan niya sa Sampaloc.
Bilang host ng public service program na Dear SV, nagdonate siya ng 17 bagong multi-purpose vehicles, na tinatawag na “Serbisyo Vans,” para sa 17 zones ng Sampaloc.
Ang mga vans na ito ay para sa iba’tibang gamit, kabilang ang transportasyon, emergency response, at paghahatid ng mahahalagang social services sa tao.
Bukod sa mga Serbisyo Vans na ito, nagdonate rin si Congressman SV Verzosa ng tatlong espesyal na truck, na tinatawag na SV Mobile Clinics.
Ang mga ito ay may dalang mga kagamitang medikal tulad ng x-ray, ultrasound, laboratory testing, at ECG. Ang mga Mobile Clinics na ito ay ginagamit rin para sa mga general check-ups at medical consultations.
Baka Bet Mo: Rhian Ramos sinorpresa si Sam Verzosa sa 1st anniversary ng ‘Dear SV’
@samverzosaofficial Eto napo ang simula ng ating SERBISYO CARAVAN.. ilalapit na po natin sa mga tao mismo ang serbisyong medical sa pamamagitan ng ating mga Mobile Clinics, Mobile Laboratory, Mobile Botica, libreng checkup, pagbibigay ng libreng maintenance medicines at mga gamot, wheelchairs, pampa hospital, scholarships, financial assistance at free use ng ating mga brand nee Serbisyo Vans para sa lahat. Kung nagagawa nating tumulong sa iba’t-ibang parte ng Pilipinas, mas lalo na sa mga Batang Sampaloc. Kasama nyo ako, magsama sama tyo.. 🙏🏼 #SV #BatangSampaloc ♬ original sound – Sam Verzosa
@samverzosaofficial Ang pagmamahal ko sa inyo ang nagbibigay sa akin ng lakas para magpursige para maibalik ko sa mga tao ang anumang tinatamasa ko ngayon at mabigyan sila ng Bagong Pagasa. 💫 #SV ♬ original sound – Sam Verzosa
Bilang isang debotong Katoliko, sinimulan ni SV ang mga aktibidad ng araw sa pamamagitan ng misa, kasunod ang pagbabasbas ng mga sasakyan.
Personal na ginabayan ni SV ang mga kinatawan ng media sa isang tour ng mga Mobile Clinics at Mobile Botika, ipinapakita ang buong kakayahan ng mga sasakyan at ang kanilang potensyal na mapabuti ang paghahatid ng serbisyong pangkalusugan sa lugar.
Bukod dito, naglunsad si Congressman SV ng “FREE MAINTENANCE MEDICINE PROGRAM” at nag-organisa si SV ng isang medical mission upang magbigay ng kinakailangang serbisyong pangkalusugan sa mga residente ng Sampaloc at epektibong ginamit ang bagong mobile clinic.
Nagpamahagi rin siya ng mga wheelchairs sa mga senior citizens at mga persons with disabilities (PWDs), na higit pang nagpapakita ng kanyang dedikasyon sa pagpapabuti ng kalidad ng buhay para sa lahat ng kababayan sa ika-4 na Distrito ng Maynila.
Ang kasintahan ni SV na si Rhian Ramos, na naroon din sa event, ay nagpakita ng suporta at tumulong pa sa pamimigay ng mga gamot.
Pinatutunayan ng inisyatibong ito ang patuloy na pangako ni SV na tugunan ang mga pangangailangan ng komunidad sapamamagitan ng praktikal at abot-kayang na mga solusyon.
Ito rin ay tugon sa mga kahilingan ng mga tao sa Sampaloc sapamamagitan ng kanyang mga social media platforms. Ang pagbibigay ng Serbisyo Vans at Mobile Clinics ay kumakatawan sa isang makabuluhang hakbang patungo sa pagpapahusay ng kabuuang kapakanan ng mga residente ng Sampaloc.
“Hindi posisyon ang nagtulak sa akin na gawin ang lahat ng ito,” paliwanag ni SV. “Lahat ng ito ay ginagawa ko dahil sa pagmamahal ko sa mga kababayan ko sa Sampaloc. Lagi ninyong tatandaan na magpaka tatag dahil madami padin ang may puso na tumulong at laging may pag-asa.”