Miss International Andrea Rubio eeksena sa Bb. Pilipinas 2024

Miss International Andrea Rubio eeksena sa Bb. Pilipinas 2024

PHOTO: Instagram/@andrevrubio

NANDITO ngayon sa Pilipinas ang reigning Miss International na si Andrea Rubio.

Dumating ang Venezuelan beauty queen kagabi, July 3, kung saan nakatanggap siya ng mainit na pagbati mula sa Pinay beauty queens na sina 2013 Miss International Bea Rose Santiago, Miss International 2023 third runner-up Nicole Borromeo, at reigning Bb. Pilipinas International Angelica Lopez na naganap sa Novotel Manila Araneta City sa Quezon City.

Nasa bansa si Andrea dahil isa siya sa special guests sa 60th Binibining Pilipinas pageant, lalo na sa upcoming grand coronation night na mangyayari sa Linggo, July 7, sa Smart Araneta Coliseum.

Inaasahang tutulong si Andrea na makoronahan ang magiging kahalili ni Angelica na kakatawan sa Pilipinas sa 63rd Miss International pageant sa susunod na taon.

Baka Bet Mo: Michelle Dee hindi pa ‘ready’ ipasa ang MUPH crown: Feeling ko iiyak ako

Sa isang welcome event, nabanggit ng international beauty queen na nais niyang tikman ang ilang pagkaing Pinoy. 

“I really want to eat a lot. I love trying new food, culture, and just see this beautiful country, get to know all of these amazing people, and learning some more when you’re out of your country,” sey niya.

Bukod sa ating bansa, ilan lamang sa mga nabisita na niya bilang Miss International ay ang Indonesia, Guatemala, Argentina, at Peru.

 

Si Andrea ang pang-siyam sa Venezuela na nagwagi ng Miss International crown.

Samantala, ang Pilipinas ay mayroon nang six winner, kabilang na riyan sina Gemma Cruz, Aurora Pijuan, Melanie Marquez, Precious Lara Quigaman, Santiago, at Kylie Verzosa.

Ang papalit kay Andrea sa nasabing titulo ay nakatakdang koronahan sa Tokyo, Japan sa darating na November 12.

Read more...