“KUNG kailangan magpapagawa ako ng tarpaulin!” Yan ang hirit ni Megastar Sharon Cuneta nang matanong sa rumored romance nina Kathryn Bernardo at Alden Richards.
Parehong anak-anakan ni Mega sina Kath at Alden kaya hindi nakapagtatakang botong-boto siya sa tambalan ng dalawang award-winning at Box-Office stars on and off screen.
Marami ang naniniwala na may something special nang namamagitan sa pagitan nina Alden at Kathryn pero ayaw lang daw nila itong ipangalandakan sa publiko para hindi manega at maudlot.
“Oo naman!” sagot ni Sharon nang matanong ni MJ Felipe about KathDen. “Kung saan sila maligaya, lalo kung sa isa’t isa, talaga namang…alam mo naman si mama, kung kailangan, magpagawa ako ng tarpaulin!”
Ngunit sabi ng movie and TV icon, nahihiya siyang magtanong kay Alden kung ano na ba talaga ang real score sa kanila ni Kathryn.
Baka Bet Mo: Robin Padilla sa hiwalayang Kathryn, Daniel: Magkakabalikan ‘yun!
“Ayokong magsabing oo, pero tawagan ko si Alden mamaya. Nahihiya kong magsabi ng ‘Anak, kayo na ba?’ Pero nag-message ako sa kaniya, sabi ko ‘Anak, kung totoo ‘yan napakasaya ko!” tumatawang pahayag ng aktres at singer.
Nakatrabaho ni Mega si Kathryn bilang anak niya sa Star Cinema movie na “Three Words to Forever,” habang si Alden naman ay gumanap ding anak niya sa Metro Manila Film Festival 2023 entry na “Family of Two.”
Sey ni Mega tungkol kay Kath, “She’s so deserving of everything she has received. Her stardom, her status, she’s one of the best people I’ve ever met.”
“And then Alden, the same. The very same words. So, I cannot contain my excitement!” dagdag naman niyang sabi patungkol sa Asia’s Multimedia Star.
Magiging busy sina Alden at Kathryn sa shooting ng reunion movie nilang “Hello, Love, Again”, ang sequel ng blockbuster hit nilang “Hello, Love, Goodbye” mula pa rin sa direksyon ni Cathy Garcia.
Samantala, muling bibida si Sharon sa bagong project ng Dreamscape Entertainment. Huli siyang napanood sa “FPJ’s Ang Probinsyano” ni Coco Martin.
“‘Di ba, I have problem with my hip, my back. So for two months, three months, the beginning of this year, medyo ‘di ako pwedeng magkaroon ng activities masyado. Almost bed-ridden, I was walking with a limp,” ani Mega.
Medyo okay na raw siya ngayon kaya tinanggap niya ang bagong offer ng ABS-CBN, “I will give my best to this project, and lalo na since 2 taon po akong nagpahinga sa TV so I’m really excited.
“Tapos ‘yung mga makakasama ko, ‘yung isa mahal na mahal ko, ‘di na kayo magugulat kapag nalaman ninyo.
“‘Yung iba mga first time ko makakasama. Talagang sumasabog ang heart ko sa excitement and saya,” sey pa ni Shawie.