MULING ibinandera ni Elisse Joson sa buong mundo ang kanyang wagas at abot-langit na pagmamahal para sa kanyang partner na si McCoy de Leon.
Maraming kinilig at na-touch sa appreciation post ng Kapamilya actress at celebrity mommy para kay McCoy na idinaan niya sa social media.
Ibinahagi ni Elisse sa kanyang Instagram Story ang sweet photo nila ng aktor kalakip ang kanyang madamdaming mensahe at pasasalamat sa lahat ng sakripisyo at ginagawa nito para sa kanilang pamilya.
“Sorry nag post ako, gusto ko lang ipagmalaki ‘yung pagmamahal mo,” ang unang bahagi ng Instagram post ni Elisse.
Kasunod nito, ipinaramdam ng aktres sa kanyang boyfriend at tatay ng anak niyang si Felize kung gaano siya nagpapasalamat sa pagdating nito sa kanilang buhay.
“Thank you dahil ‘di mo ako pinabayaan mag-isa. Thank you kasi tinulungan mo pa ako to shoot for my work.
“Thank you for making time for us. Ang saya-saya ko dito dahil mahal kita at mas mamahalin pa lalo,” pagbabahagi pa ng Kapamilya star.
Baka Bet Mo: Elisse Joson, McCoy de Leon nagkaayos na matapos magkahiwalay?
Sa isa namang social media post, ipinagmalaki rin ni Elisse ang ilang magagandang qualities ni McCoy, isa na riyan ang pag-e-effort nito na samahan at suportahan siya sa kanyang trabaho.
“To the guy who flew out of Manila with me even if he can only stay for one day,” ang caption ni Elisse sa litrato at video nila ni McCoy na kuha sa isang beach resort kung saan siya nag-work.
Nitong nagdaang Father’s Day, ibinandera rin ng aktres sa madlang pipol kung gaano siya ka-proud kay McCoy.
“Not everyone will understand how good of a person you are, how soft of a man you are, how you manage to become a father in your 20’s, how freedom was taken from you in your prime, how you still finding yourself.
“For me and Felize, he is our strength. He is our family. He is what Felize has.
“Mccoy ko, These pictures are not enough. But I hope these moments remind you that for the people that matter.. we see you, we hear you, we appreciate you,” sabi ni Elisse sa kanyang Instagram post.