Teaser ng Lavender Fields humakot ng 10-M views: Hindi ito chuvachuchu!

Teaser ng Lavender Fields humakot ng 10-M views: Hindi ito chuvachuchu!

Janine Gutierrez, Jolina Magdangal, Jodi Sta. Maria at Jericho Rosales

PAK na pak agad sa mga manonood ang upcoming ABS-CBN series na “Lavender Fields” matapos humakot ng higit 10 million views sa social media ang teaser videos nito.

Bukod dito nakapasok din sa top trending topics nitong June ang announcement ng Kapamilya Network sa bago nilang teleserye.

Excited na ang netizens sa anila’y pasabog na acting showdown sa pangunguna ng mga bida nitong sina Jolina Magdangal, Jericho Rosales, Janine Gutierrez, at Jodi Sta. Maria.

Baka Bet Mo: Umabot na sa 1.2 M views ang teaser ng ‘One More Chance 2’

Makakasama rin sa serye ang Philippine drama icons na sina Albert Martinez, Edu Manzano at ang Diamond Star na si Maricel Soriano.


Sa mga video na inilabas ng ABS-CBN ng script reading at look test ng serye, ipinasilip sa unang pagkakataon ang mga batuhan ng linya ng cast pati na rin ang magiging itsura ng kanilang mga karakter na may suot na mga bonggang outfit.

“Nakakatuwang experience ang first script reading because we didn’t know what to expect. Everybody brought something different to the table.

“I am proud to be working with these brilliant actors who will breathe life to the characters that shape the story of ‘Lavender Fields,’” post ni Jodi sa Instagram na may kasamang mga litrato mula sa look test.

Baka Bet Mo: Pauleen nagpaliwanag kung bakit walang face mask si Tali sa kanilang ‘field day’ photo

Naiintriga na rin ang mga manonood dahil bukod sa nagsisilbi itong unang action-drama series ni Jodi, first-ever kontrabida role ni Janine, at ang pagbabalik-teleserye nina Jericho at Jolina makalipas ang ilang taon, natatakam na rin silang mapanood ang dating mga child star na sina Jana Agoncillo, Krystal Mejes, Miguel Vergara, at Marc Santiago.


Sey ni Jolens, “Parang hindi ito chuvachuchu. After more than three decades dito sa industriya, meron ka pa ring hahanapin. And I guess, ‘yun ‘yung magkaroon ka ng bagong character,” sey ni Momshie Jolens.

Sabi naman niya about Jodi, “Sobra ko siyang pinapanood at sobrang nagagalingan ako sa kanya, nabibilib ako sa kanya. Yung mga soaps niya, fan na fan kami ng nanay ko.”

Kasama rin sa “Lavender Fields” sina Justine Luzares, Pamu Pamorada, Thou Reyes, Benj Manalo, Cheena Crab, Biboy Ramirez, Bernard Palanca, at Lotlot De Leon. Ito ay sa ilalim ng direksyon nina Emmanuel Q. Palo at Jojo Saguin.

Abangan ang nalalapit na pag-ere ng “Lavender Fields” sa Primetime Bida.

Read more...