KAARAWAN ng sister-in-law ni Ruffa Gutierrez na si Alexa Uichico, asawa ng kapatid niyang si Elvis Gutierrez kahapon, Hulyo 1.
Binati siya ni Ruffa by posting pictures na magkakasama sila noong namamasyal pa kasama ang buong pamilya sa ibang bansa.
Ipinost din ng aktres ang video noong ikasal si Lex kay Elvis sa Instagram stories nito at ang latest picture ng hipag na walang buhok dahil under medication na ito ngayon.
Baka Bet Mo: Kiray Celis nangako sa namayapang sister-in-law: Ako na bahala sa mga anak mo!
Caption ni Ruffa sa kanyang IG post, “Happy birthday to a beautiful, true warrior! (heart emoji).
“Lex, your journey’s been tough (6 months and counting at St. Luke’s Global City) but your bravery inspires us all.
“Today we celebrate your remarkable courage, incredible strength and resilience. We will continue to storm the heavens and pray for your complete healing.
“You’re going to win this battle!
“We love you so much (heart and praying hands emoji). Happy Birthday, Alexa. (Flowers and cake emoji),” sabi pa ni Ruffa gamit ang mga hashtag na #LeukemiaWarrior, #PrayForAlexa at
#MySister.
Baka Bet Mo: Dolly de Leon inisnab sa Oscars 2023, pero ‘Triangle of Sadness’ lalaban sa pagka-Best Picture
Sa pagkakaalam namin ay nasa Singapore ang mag-iinang Ruffa, Lorin at Venice with brother Raymond at ilang friends base sa pictures at videos na ipinost din nito nu’ng isang araw para sa post celebration ng ika-50 kaarawan ng aktres nitong Hunyo 24.
Sa mismong araw ng kaarawan ni Ruffa ay dito sa bansa ito ipinagdiwang at isa sa bisita ang boyfriend niyang si dating mayor Herbert Bautista na tanggap na ng buong pamilya nila.
Going back to Alexa ay maraming mga kaibigan sa loob at labas ng showbiz ang bumati sa kanya at nag-offer din ng panalangin sa kanyang agarang paggaling.
Nauna nang bumati ang aktres na si Sunshine Cruz, “Happy Birthday! (3 hearts and praying hands emoji).”
Hindi rin nakalimot ang kaibigan ni Ruffa na si Vina Morales, “Happiest Bday.”
Mula kay fiercedong, “Happiest of birthdays @alexaugutz always praying for you.”
Galing sa aktres-model na si Bubbles Paraiso, “Happy birthday @alexaugutz.”
Hindi rin nakalimot ang host na si Phoemela Baranda, “Happy birthday @alexaugutz.”
Gayun din si Jackie Forster, “Prayers up (heart and praying hands emoji).”
Say ng netizen na si xoxolove_hikari, “May our Lord Jesus Christ grant healing be upon you Alexa, may his grace strengthen you and bring you back to full health (emojis praying hands and hearts). happy birthday.”
May payo naman ang cancer survivor na si @nengnengski, “Please ask Alexa to juice green dark colored veggies with green apple, orange and small ginger-it works-am a survivor, too!”
Tatlong puso naman ang post ng aktor na si Richard Gutierrez.
Maging ang vlogger at milyonaryang si Small Laude ay bumati rin, “Happy birthday Alexa! Praying for you my inaanak (praying hands and heart emoji).”
Tatlong puso rin ang post ni Raymond Gutierrez.