Na-stroke, namatay na ‘mukbang vlogger’ na-bash, pamilya umapela

Na-stroke, namatay na 'mukbang vlogger' na-bash pa, pamilya umapela

Dongz Apatan

MASAMANG-MASAMA ang loob ng pamilya ng yumaong content creator na si Dongz Apatan dahil sa ginagawang pamba-bash ng mga netizens.

Namatay ang vlogger na mula sa Iligan at nakilala sa kanyang mukbang contents o ang paglafang ng sagkatutak na pagkain, matapos ma-stroke kamakailan.

Base sa report ng “24 Oras” nitong Biyernes, June 14 daw inatake at isinugod sa ospital si Dongz. Ito’y matapos magmukbang ng fried chicken ang vlogger. June 15 nang bawian siya ng buhay.

Baka Bet Mo: Joshua tinawag na ‘Higop King’ dahil sa laplapan nila ni Janella sa ‘Darna’: ‘Unli mukbang yarn?’

Iba’t iba ang naging reaksyon ng mga netizens sa pagkamatay ng vlogger. Ang ilan sa mga ito ay sinisi pa si Dongz sa nangyari.

Naglabas ng sama ng loob ang kapatid ni Dongz na si Leah dahil ginagawa raw katatawanan ng ilang netizens ang nangyari. Nasasaktan din daw sila sa mga fake news na naglalabasan sa social media.

Sabi ni Leah sa panayam ng GMA, highblood daw si Dongz pero hindi totoong malakas itong kumain. Hindi rin daw palaging matatabang pagkain ang ginagawa nitong mukbang content.

“Nasasaktan talaga kami na ginagawa siyang katatawan ng mga tao na parang walang respeto dahil sa content na kinukuha na hindi tama ang info.

“Kasi ang daming comment na si Manoy lang daw kasi deserve daw mamatay dahil gahaman sa pagkain. Pero content lang naman ‘yan,” aniya pa.

Baka Bet Mo: Cristy Fermin pinuna ang vlogs ni Alex Gonzaga: Kinakapos na po talaga sa content

Ipinagdiinan din niya na hindi swapang at madamot ang kanyang kuya, sa katunayan marami na itong natulungan. Kasabay nito, nanawagan din si Leah ng tulong para sa pag-aaral ng tatlong anak na naulila ni Dongz.

Samantala, ayon naman sa cardiologist na si Dr. Tony Leachon, nagkaroon si Dongz ng blood clots sa brain, “Ibig sabihin, tumaas ang blood pressure niya, pumutok yung ugat sa brain niya. So, ang kinamatay niya, eh, hemorrhagic stroke.”

Aniya pa, may posibilidad na may kaugnayan ang kanyang mga kinakain sa nangyari, “Maalat ang kinakain, pangalawa, siyempre, ang pagkain niyan, eh, karne.

“Everyday mo gagawin ‘yan. so, magbabara yung ugat mo rin sa brain. So stroke pa rin, eh, kamamatay mo ‘yan. The other one, puwede ka rin magka-heart attack,” warning ng doktor.

“Kung kakain, dapat kalahati lang ng plato ang may kaning kasing laki ng kamao at maliit na serving ng karne. Almost half of the plate, ay gulay. tapos prutas,” paalala pa niya.

Read more...