AKALA namin ay nagbibiro si Sen. Robin Padilla nang banggitin niya sa amin na gusto niyang maging Presidente ng Amerika ang panganay na anak nila ni Mariel Rodriguez na si Isabela, seryoso pala siya.
Nasulat namin dito sa BANDERA nitong Hunyo 22, Sabado na ang ganda ng boses ni Isabela habang kumakanta ng “Nosi Balasi” habang lulan ng bus kasama ang iba pang nasa I Am Worldwide Team.
Baka Bet Mo: Mark Anthony kontra sa pagkakaroon ng beking presidente: Hindi ako papayag
Kaya tinanong namin ang nanay ni Isabela na si Mariel kung papasukin ng anak ang showbiz, “Ay hindi,” sagot ni Mariel nang i-chat namin sa Instangram.
Samantala, solo naming tinanong ang tatay ng bagets na si Sen. Binoe kung papayagang mag-showbiz o singer ang anak.
Mabilis na sagot ng bida sa biopic na “Gringo: The Greg Honasan Story”, “Ay hindi! Gusto ko siyang maging president ng Amerika!”
Napangiti kami at nang akmang aalis na kami ay hinabol kami ulit ni Robin, “Totoo nga, gusto ko siyang maging president ng Amerika, saka US Citizen siya (Isabela).”
Baka Bet Mo: 2 pang miyembro ng Ben&Ben tinamaan ng COVID-19; concert sa Isabela nakansela
Habang papalayo kami sa aktor ay nag-iisip kami kung bakit gusto nitong maging presidente si Isabela at sa Amerika pa.
Saka lang namin naisip na baka kaya gusto ni Robin na magpresidente ang anak nila ni Mariel ay para mabigyan na siya ng US Visa.
Ilang beses na rin kasing nag-apply ang senador ng US visa noong nanganak si Mariel sa panganay at bunso nilang sina Isabela at Gabriela pero lagi itong hindi nabibigyan kaya hindi nakakarating ng Amerika ang aktor-politician.
Nag-ugat kasi ito sa kaso niya noon na illegal possession of firearms pero napagbayaran na niya ito nang makulong siya noong 1994.