“HOPEFULLY, sa last quarter ng taon (2024) bago mag-Pasko, I’ll be back in the Philippines,” ang pahayag ni Kris Aquino sa panayam sa kanya ni Ogie Diaz.
Good news ito para sa supporters ni Kris dahil uuwi na siya sa bansa ngayong Setyembre kung walang pagbabago sa kasalukuyang estado ng kanyang kalusugan.
Ito ang masayang ibinalita ni Kris kay Ogie nang dalawin siya nito sa Orange Country, California kung saan naninirahan ang Queen of All Media kasama ang bunsong anak na si Bimby at ilang staff na mapagkakatiwalaan.
Baka Bet Mo: Netizens nagpakita ng suporta sa pagpapagamot ni Kris: Praying for her speedy recovery
Nabanggit sa amin ni Ogie bago sila lumipad patungong Amerika kasama sina Mama Loi, Dyosa Pockoh, kaibigang si Ernie Lim at ang panganay na anak na si Erin Diaz na dadalawin nila si Kris para kumustahin ang kalagayan nito.
Kuwento pa ni Kris, “And it really depends, kasi may mga pagdadaanan akong mga test (at) isa du’n ‘yung MRI (magnetic resonance imaging) with contrast dye.
“Du’n ako natatakot kasi ‘yun ‘yung test na hihiga ka papasok ka tapos mayroong malaking machine na ganu’n (minuwestra) maingay kahit bigyan ka ng noise cancellation maririnig mo pa rin and you’re there close to one hour, may isu-shoot sa ‘yo na may kulay ‘yung dye tapos sa buong katawan mo dadaan ‘yan.
“May fear ako kasi the last time I had that done was way back 2019. Ang mga allergy nag-e-evolve and in-assure naman ako na kaya ko raw and na-survive ko ‘yun.
“And bago kami umalis ng Pilipinas ng 2022 nakapag-pet scan na ako para malaman kung may cancer ka (and) clear ako du’n kinaya ko naman ‘yung in-inject sa akin nu’ng panahong iyon.
Baka Bet Mo: Kris tuloy ang laban para sa 2 anak: Mahiya naman ako sa lahat ng nagdarasal para gumanda ang kalusugan ko
“So, ito ngayon it’s very similar daw ang i-inject at makikita magla-light up ‘yan sa screen kung may mga blockage ‘yung mga vessels and I I clear that at kinaya then puwede nang ituloy sa Pilipinas ‘yung treatment sa akin,” pagbabahagi ni Kris.
Nabanggit pa ni Kris na ang mga gamot na ibinibigay sa kanya ay wala rito sa Pilipinas.
“Puwede naman daw (umorder sa ibang bansa). There are three hospitals in the Philippines na puwedeng mag-import nu’ng gamot na the requirement is kailangan ang magbibigay sa akin ay rheumatoid specialist na (specialization) ay kagaya ng mga sakit ko.
“Kasi pag auto-immunie kasi alam na ng lahat na it can never be cured pero puwede kang mag remission, in other words puwedeng mabawasan ‘yung mga symptoms pero forever nandu’n.
“So, it’s either rheumatoid specialist at anesthesiologist or a surgeon na magbibigay ng gamot, so, mahaba pa ang proseso bago ako gumaling.
“So, kung uuwi ako, it could been another one year and a half to two years na ‘yung gamot kailangan patuloy na I’m taking it,” paglalarawan ni Kris sa prosesong pagdaraanan pa niya kapag nandito na siya sa bansa.
Bago pumunta ang grupo ni Ogie sa bahay ni Kris ay mahigpit ang bilin sa kanila ng staff ng huli na kailangan wala silang pinanggalingang lugar kundi sa tinutuluyan nila.
“Kasi right now wala akong panlaban sa ibang mga sakit. Pag lumalabas kami I’m still wearing a mask kasi hindi ako puwedeng mahawa kasi hindi ko malalabanan ang lagnat.
“Kung magkaroon kayo ng flu o ubo’t sipon kaya n’yo, sa akin simpleng ubo’t sipon automatic magiging pneumonia, so, hirap pa ako.
“Kailangan pa nilang palakasin ang resistensiya ko and after that sana makauwi na ako because ang tagal ko nabg hindi nakikita ang mga kamag-anak ko, very close friends na ilang beses nang lumipad dito para lang samahan ako or para makita ‘yung mga bata or pag nako-confine sila sa hospital, nandoon sila para bantayan ako and I’m very grateful for that.
“I miss home of course, I miss the people and mahirap din na si Kuya Josh nandoon umuwi at bumabalik dito, e, ngayon ayaw nang bumalik, gusto na niya sa Tarlac, doon siya happy,” pahayag ni Krisy.
Nabanggit ding dapat sana ay nakabalik na ng Pilipinas si Bimb para dumalo sa 3rd death anniversary ni dating Pangulong Noynoy Aquino nitong Hunyo 24 pero pina-cancel ni Kris ang biyahe limang oras bago pumunta ng airport ang anak.
“Hindi ko kaya! Kasi ‘yung time na ‘yun (pag-alis ni Bimb) tatlong treatment ang pinagdaanan ko kaya nanghihina talaga ako and it’s true na ‘yung emotions mo na-affect pag nanghihina ka kaya sabi ko ‘Bimb, hindi ko kayang umalis ka,’” pagtatapat ni Kris.
Pero napag-isip-isip ng mama ni Bimby na kailangang bumalik ng anak sa bansa dahil kailangan nitong asikasuhin ang interviews sa mga eskuwelahang papasukan nito.
“Tatlong schools ang pinagpipilian but he needs to go for a face to face and may mga exam siya to see what aptitude (ability) or kung anong level kasi posibleng puwede siyang ma-accelerate and I’m praying for that,” kuwento ni Kris.
At isa pang na-realize ni Kris na ayaw niyang maulit sa anak kung ano ang pinagdaanan niya noong kabataan niya, “I really did not have a teenage life. Ang mom ko (Cory Aquino) naging president when I was 15, so he’s taken care of me for so long,” pagtatapat ng mama nina Josh at Bimb.
Dagdag pa, “Naisip ko na dapat mabigyan na siya (Bimb) na lumabas with friends o ng mga barkada niya o mga kaibigan niya at dapat may freedom na siya na pumunta ng mall.”
Hirit ni Bimb, “But I promise mom, I won’t go to club-club, party-party (sabay indak ng kamay).”
Bilin ni Kris, “Just don’t drink.” Sumang-ayon naman ang anak.
Samantala, ang part two ng Kris Aquino interview ni Ogie ay tungkol naman sa paghihiwalay nila ni Batangas Vice Governor Mark Leviste.