3 bida sa ‘Huwad’ naniniwala sa gayuma; umaatikabong hubaran sa ‘Top 1’

3 bida sa 'Huwad' naniniwala sa gayuma; umaatikabong hubaran sa 'Top 1'

Azi Acosta, Aerol Carmelo, Chloe Jenna, Mariane Saint, Armani Hector at Cristy Imperial

KAHIT tag-ulan na, patuloy ang mainit na pasabog ng Vivamax sa dalawa nitong kapana-panabik na pelikula – ang “Huwad” at “Top 1.”

Saksihan si Azi Acosta bilang isang babae na gagamit ng gayuma para muling mapaibig ang kanyang asawa— mapapanood sa “Huwad” na mula sa direksyon ni Reynold Giba.

Sa kagustuhang mapanatiling buo ang kanyang pamilya, hihingi ng tulong si Romina (Acosta) sa isang albularyo matapos matuklasan ang pagtataksil ng kanyang asawa na si Lando (Aerol Carmelo) sa isang babaen nagngangalang Sue (Chloe Jenna).

Baka Bet Mo: Vivamax Queen Azi Acosta puring-puri ni Jaclyn Jose sa ‘Call Me Alma’; palaban sa hubaran, halimaw din sa aktingan

Makakatanggap siya ng gayuma na naglalayong magpapaibig muli sa kanyang asawa.

Gayunpaman, ang gayuma ay may hindi inaasahang epekto: magiging nakakabighani si Romina sa lahat, maliban kay Lando.


Sa kabila ng pagkahumaling ng iba sa kanya, ang puso ni Romina ay para lamang kay Lando. Kaya naman kukuha siya ng mas marami at mas matapang na gayuma.

Habang lalong nagiging desperado si Romina at mas lumalakas ang gayuma, tila unti-unti na rin na nagugulo ang kanyang isip.

Baka Bet Mo: Korona nina AJ Raval at Angeli Khang bilang Vivamax Queen naagaw na ni Azi Acosta; 2 pinagbidahang pelikula pasok sa Top 3

Mapagtagumpayan kaya ni Romina na muling makuha ang kanyang asawa? O ang kanyang mga ginagawa ay magdudulot lang ng mas maraming problema?

Alamin ang mga desisyong gagawin ni Romina para sa kanyang relasyon at para sa kanyang sarili sa “Huwad”, streaming na ngayon exclusively sa Vivamax.

Sa panayam namin sa mga bida ng “Huwad”, lahat sila ay naniniwala sa gayuma pero kung sila ang tatanungin, hindi raw sila gagamit ng gayuma para lang magkadyowa.

Naniniwala raw sila sa karma at feeling nila, hindi rin makukumpleto ang kanilang kaligayahan kapag ginayuma nila ang taong nagugustuhan nila.

* * *

Sa “Top 1” naman  isang academic rivalry ang magaganap sa mga karakter nina Cristy Imperial at Armani Hector, na magiging kumplikado dahil sa mapanlinlang na romantic intentions.

Sa direksyon ni Temi Abad, ang pelikula ay tungkol sa mga estudyanteng sina Azi at Dex (ginagampanan nina Imperial at Hector), na matindi ang labanan para sa top spot sa kanilang klase.

Gayunpaman, ang demure at masipag na si Azi ang palaging nangunguna, habang si Dex ay madalas nalilihis ang atensyon dahil sa relasyon niya sa kanyang girlfriend na si Misia (Mariane Saint).


Dahil desperadong matalo si Azi, sasang-ayon si Dex sa suggestion ni Misia na akitin niya ito, sa paniniwalang hindi makaka-focus si Azi sa pag-aaral dahil dito.

‘Di kalaunan ay mahuhulog ang loob ni Azi kay Dex, na magiging daan para magkaroon sila ng malalim at sekswal na relasyon.

Magiging matalino kaya si Azi at matutuklasan ang plano nina Dex at Misia? O masyado na ba siyang nahulog kay Dex para mapansin ang panloloko nito?

Panoorin kung sino ang mangunguna sa larong ito sa “Top 1”, streaming na simula sa July 2.

Read more...