APEKTADO ang mga BANDERA readers sa naging statement ng Kapuso actress na si Carla Abellana hinggil sa pagsasabatas ng Divorce Bill sa Pilipinas.
In favor si Carla na maisabatas na ang divorce sa bansa dahil maraming mag-asawa ang magbe-benefit dito.
Katoliko ang dating wifey ng Kapuso actor na si Tom Rodriguez at naniniwala siya na sagrado talaga ang pagpapakasal sa simbahan.
Baka Bet Mo: Anne nag-react sa boto ng senado sa Divorce Bill: Puro lalake nag-‘No’
Pero ang feeling ni Carla, ito na ang tamang panahon para mabigyan ng choice ang mga Filipino couple na gusto nang maghiwalay dahil sa iba’t ibang valid reasons.
Naaprubahan na ng House of Representative ang Divorce Bill sa second hearing nito at hinihintay na lamang na maratipika ito ng Senado.
“Catholic ako, pero ano naman ako din, very realistic naman din ako. I see the bigger picture and, of course, sa panahon ngayon, iba na, e.
“Sa nakikita ko, ang daming magbe-benefit because aminin natin, marriage isn’t easy, it can get toxic. Marami, unfortunately, na nagiging abusive na ‘yung relationship nila,” ang pahayag ni Carla.
Baka Bet Mo: Xian Gaza may tips para hindi na umabot sa ‘divorce’, ano kaya yun?
Daan-daang netizens ang nag-comment sa official Facebook account ng BANDERA at may kanya-kanya silang paniniwala sa pagsasabatas ng divorce sa bansa. Narito ang ilan sa mga nabasa naming komento.
“Dapat wala Ng kasal, Kung gusto magsama mag apply nalang Ng divorce para Kung Hindi magkasundo hiwalay kaagad.”
“Ang batas ng Diyos Hindi nagbabago khit kailan at khit magbago p ang pahanon..ang kanyang batas ay Hanggang sa wakas ng panahon. Ang lahat ay lilipas ngunit ang aking salita ay Hindi kukupas Hanggang wakas.”
“Wag na magpakasal. pag di magkasundo hiwalay din naman.”
“Ang batas na Yan ay para Lang Yan sa mga mayayaman o sa mga politiko, lalonat Yung di makuntento sa Asawa nila.”
“Kaya nga mgpakasal kc ngmamahalan eh, kung wala ka tiwala sa pgmamahalan hwg kayong mgpakasal.”
“Kya dpat wag ng magpkasal.live in nlng.kpg di na msaya sa isat isa hiwalay nlng….kya lng ayw nmn ng DIOS ng gnun.!??”
“Kailan pa naging kapamilya c ms.carla abellana? Di po ba kapuso yun??”
“Catholic din ako pero pabor din ako sa divorce…. Kaya lang sana sa pantay na paraan NDI para lang sa my pera….yung tingnan nila ng maus kung dapat na talaga mag hiwalay NDI ka pag wala kang pera wala kang pag asa na mahiwalay sa asawa mo kahit subrang nahihirapan Kana at sinasaktan kapa… Sana NDI lang yan para sa my pera at mayayaman. Sana kahit walang pera ang mahirap payagan din nila.”
“Palakasin, pabilsin at pamurahin ang fee sa legal separation at annulments. Ang panunumpa SA Dyos ay isang beses Lang. Kung gusto mag asawa ulit huwag na magpakasal at idamay ang Dyos.”
“Marami ang me gusto ng divorce
Dapat alisin na ang kasal wala pang gastos. Tapos magdidivorce gastos n nman. Haays.”
“TALAGANG puro kapakanan pang mag Asawa ang INIISIP paano naman kapakanan NG mga bata? Isa lang talaga Ang target Ang MAKAHANAP NG IBA after Divorce.”
“True dapat wala ng kasal o meron man after 1year expired na renew uli kung nagkakasundo pa.”