SA matagal na panahon ay itinago ng singer-actor na si Sam Milby ang sakit na diabetes dahil ayaw niyang natatanong tungkol dito kapag humaharap sa media.
Pero kagabi ay nagulat kami dahil ipinost na ni Sam ang glucose meter sa kanyang Instagram account kung saan ipinakitang nasa 525 ang blood sugar level niya.
Ang caption ni Samuel, “I’ve always thought of myself as a healthy person. I don’t have a sweet tooth, bihira din mag junk food, pero last year I found out na may type 2 diabetes na ako.
Baka Bet Mo: Diabetes ng kapatid ni Ivana Alawi na si Mona lumala, pwedeng magkakumplikasyon sa utak
“My parents and grandparents never had it. I just wish I got checked up earlier nu’ng pre diabetes pa. My advice – don’t ignore the symptoms (my main symptoms – always thirsty and urinating often) and get checked up regularly,” aniya pa gamit ang hashtag #diabetes.
Nakakasama rin namin dati si Sam sa mga out of town shows at dito sa Manila lalo na nu’ng kasikatan ng mga sing-along bars kung saan lagi namin siyang pinagpo-produce ng shows.
Black coffee at tubig lang ang iniinom ng aktor at ang pagkain niya ay more on fish o veggies at hindi nga rin gaanong nagkakanin.
Baka Bet Mo: Boobay itinago ang pagiging beki sa amang sundalo, paano siya tinanggap?
Bukod dito ay health buff siya dahil nagwo-work out siya at may sarili siyang gym sa bahay na nakita namin noong nakapunta kami roon at sumasali rin siya sa motorcycle dirt race.
Kaya talagang nakakapagtaka kung paano siya nagkaroon ng diabetes.
Kaya pala napansin naming pumayat ngayon si Samuel dahil sobrang pili na lang ang kinakain nito at higit sa lahat hindi na rin namin nababalitaang nagmo-motor siya.
Hindi na nagagamot ang diabetes pero puwede itong kontrolin kaya nagbigay ng babala ang aktor na laging magpa-check ng sugar para hindi maging huli ang lahat.