Anak nina Claudine at Raymart ayaw mag-artista pero type magdirek

Anak nina Claudine at Raymart ayaw mag-artista pero type magdirek

Claudine Barretto at Santino Santiago

ANG pagiging direktor at hindi ang pagiging artista ang pangarap ng anak nina Claudine Barretto at Raymart Santiago na si Santino.

Ito ang pahayag ni Claudine sa panayam sa kanya ni Morly Alinio na mapapanood sa kanyang YouTube channel.

Kinumusta kasi ni Morly si Santino at ipinagmamalaki ng proud mama na sobrang mababait ang mga anak niya at ni minsan ay hindi siya binigyan ng sakit ng ulo.

“Na-in love ako kay Santino, ang lakas ng dating mag-aartista ba siya?” tanong ni Morly.

Baka Bet Mo: Claudine Barretto nakatampuhan nga ba ang anak na si Santino dahil sa ipinost niyang litrato sa socmed?

“Hindi, ayaw niya talaga. Sinasabi nga ni ALV (Arnold L. Vegafria, talent manager niya) sa akin na ‘Clau may offer for Saint (pet name ng anak).’ Tapos sasabihin ko sabi niya, ‘No mama I don’t want. I just want to live a normal life.’


“Pero ‘yun nga parang nag-aano siya lean towards directing, kaya dito sa movie na pinakiusapan namin (producer at direktor) kung puwede siyang magdirek for a few scenes.

“Kasi siyempre ang lolo niya si Pablo Santiago (kilalang direktor na tatay ni Raymart), si tito Rowell at tito Randy (Santiago) niya nagdidirek, nasa dugo niya. I think doon siya pa linya,” kuwento ni Claudine.

At dahil guwaping si Santino kaya tinanong ni Morly sa aktres kung maraming nanliligaw na babae sa anak, “Ang dami!” sabi kaagad ni Claudine.

“Ang daming babae my golly. Alam mo, mayroon siyang ‘girlfriend fund’ kasi kapag nagka-girlfriend daw siya at nahanap niya ‘yung babaeng mamahalin niya, ayaw daw niyang gagastos ‘yung babae.

Baka Bet Mo: Anak ni Jericho na si Santino nirereto kay Kathryn: Parang bagay sila!

“Ang dami talagang tumatawag hanggang sa nag-change na kami ng cell (phone) number niya. Ayaw niya ng attention sa totoo lang hindi niya gusto, pero natutuwa ako kapag may nagpapa-picture sa kanya like sa airport galing kaming Japan, pumapayag naman siya pero hiyang-hiya siya talaga,” ani Claudine.


Nabanggit na disiplinado raw si Santino at nag-aaral ito sa Brent International School.

“Pagdating niya sa bahay mga 6 o 7 na ng gabi, disiplinado talaga siya, pagdating niya, kain, ligo aral konti kasi on the way home nag-aaral na ‘yan sa bus. Tapos by 9:30 (o) 10 p.m. tulog.  Tapos pag Saturday, Sunday naggi-games siya and he’s into cosplay anything Japanese (characters),” kuwento ng aktres.

Nabanggit din na planong mag-aral ni Santino sa Japan kaya inaral nito ang pagsasalita ng Japanese.

“He can speak Japanese fluently, sa YouTube (nag-aral), ang galing nga niya mag-Japanese,” say ng proud mom ni Santino.

Ang pagiging generous ni Claudine ang nakuhang ugali raw ng anak at ang pagiging tahimik at mahiyain ang namana sa amang si Raymart.

Natanong din ni Morly ang tungkol sa kasalukuyang estado ng annulment case nina Clau at Raymart na hindi naman sinagot ng una dahil may gag order siya.

May isang siniguro si Claudine, hinding-hindi na raw siya magmamahal ulit hangga’t kasal siya at kung sakaling magmamahal siya ulit dapat ay tanggap ang mga anak niya.

“Mamahalin muna ang mga anak ko kasi kung hindi makakasundo ng mga anak ko hindi (sabay iling) ako (magdyo-dyowa). Habang kasal ako hindi ako magmamahal kasi malaking sin ‘yan, that’s adultery, that’s concubinage that’s in the Bible,” pagtatapos ng aktres.

Read more...