Ogie hindi galit kina Bea at Diwata; bakit hindi active sa LGBTQ?

Ogie hindi galit kina Bea at Diwata; bakit hindi active sa LGBTQ?

Diwata, Bea Alonzo at Ogie Diaz

SA PridePH Festival na ginanap sa Quezon City Memorical Circle ay hindi nakita si Ogie Diaz na alam ng lahat na miyembro rin ng LGBTQIA+ at suportado niya ang buong komunidad.

Matagal na naming kilala at nakasama si Ogie Diaz dahil naging patnugot namin siya noon sa Mariposa Publications sa hawak niyang magazine na Teenstars na pag-aari ni Nanay Cristy Fermin.

Pero kahit proud member ng gay community ay wala kaming matandaang sumali siya sa mga pagtitipon ng grupo maliban kung presscon ng isang personalidad.

Mas tutok si Ogie sa trabaho niya bilang pinagkatiwalaan siya ni ‘Nay Cristy bilang editor.

Baka Bet Mo: Vice Ganda may kinikimkim bang galit sa TV5 dahil sa pagbabu ng ‘Showtime’ kapalit ng bagong programa ng TVJ?

Kaninang madaling araw ay ipinost ni Ogie sa kanyang Facebook account ang kanyang mga sagot sa napakaraming tanong ng mga kakilala at netizens para isahan na lang daw.


Ang titulo ng post ng talent manager at content creator ay, “MAMA OGS SAYS…”

Narito ang kanyang mahabang post, “Eto yung mga karaniwang tanong sa akin ng mga netizen, kaya sasagutin ko sa abot ng aking makakaya.

“Mama Ogs, ba’t parang di po kayo active sa pagsuporta sa mga event ng rainbow community? Eh, kilala po kayong personality na part ng LGBTQ.”

“Huh? Umamin na po ba ako? Charot! Actually, di lang po kasi ako mahilig mag-a-attend sa mga event, pero nakasuporta naman po ako. Lalo na at kung very talented ang mga kapatid. Sobrang proud ako sa kanila. Karamihan ng bakla, source ng happiness ng lipunan,”’ tugon niya.

Baka Bet Mo: RitKen fans galit na galit pa rin sa pang-iisnab ng mga hurado ng MMFF kina Rita at Ken

May isa pang tanong na may punto rin naman, “Mama Ogs, ba’t ang mga bakla ngayon, ang guguwapo?


“At mas malalandi pa minsan sa mga totoong girls!”

“Mama Ogs, ano maisa-suggest mo para mahikayat ang mga tao manood ng sine?”

“Simple lang. Ibaba ang entertainment tax. O kaya magbitbit ka ng lima, tapos, ikaw, libre. Parang 20% na din ang discount no’n, di ba?” sagot ni Ogie.

“Mama Ogs, how do you deal with bashers?”

Ang laging sagot ni Ogie, “Simple lang. I block them. Baka ako pa ika-highblood niya at maging sanhi ng kamatayan niya, kaya isasalba ko na siya. Yung iba kasi, halata mong nananadya na dahil gusto nila, replayan mo sila, kaya kung anu-ano na ang sinasabi against you.

“Pag sinagot mo, tagumpay sila. Don’t give them oxygen to breathe. Unless, trip mong patulan, good luck.”

Nang makakuwentuhan namin si Ogie nang idemanda siya ni Bea Alonzo ay nabanggit niyang hindi siya galit dahil alam niyang mabait itong tao at nagkasama na sila noon pang baguhan pa lamang ang aktres sa showbiz.

Kaya kapag tinatanong siya tungkol kay Bea, “Mama Ogs, galit ka po ba kay Bea Alonzo? Dinemanda na po kayo, pero parang lagi nyo pa rin siyang laman ng vlog n’yo?”


Ang laging sagot niya, “Hindi ako galit kay Bea. Kahit nu’ng nagdemanda siya, hindi ako nagalit sa kanya. Alam ko namang hindi naman kami nanira ng reputasyon, tuloy pa din.

“Andami na ngang nagagalit sa amin, bakit daw ibinabalita pa namin si Bea. Pasensiya na po, trabaho lang, walang personalan. Basta pag me good news about her, willing din kaming ibalita.”

May tanong kay Ogie na alam namin ang sagot pero mas magandang sa kanya na lang ito manggaling, pero kung gustong malaman ay rebyuhin n’yo na lang ang videos niya simula ng “Showbiz Update” at “Ogie Diaz Inspires” tiyak malalaman ninyo ang sagot. Isama na rin ‘yung mga programa niya sa radyo at telebisyon.

“Mama Ogs, meron din ba kayong artista na ayaw nyong ibalita?”

“Ay, oo. Hulaan n’yo kung sino-sino. Kahit anong balita tungkol sa kanila at kahit anong papansin pa ang gawin nila, wala akong pakialam. Di nila kami kailangan. Kaya nilang mag-survive kahit wala kami.”

“Mama Ogs, di ka naman galit kay Diwata?”

“Hindi. Tigilan lang sana ‘yung panunuplada sa ibang nagpapa-picture lang. Kaya nga pumatok ang pares niya, dahil na-viral, dinayo. Sa showbiz nga, sa magagandang mukha lang nagpapa-picture ang karamihang fans eh. Kaya dapat samantalahin niya.”

“Mama Ogs, sa dati mong alagang Liza Soberano, nagkita na ba kayo? Galit ka ba sa kanya? Babatiin mo ba siya pag di sinasadyang magkita kayo?”

“Wait. Isa-isa lang. Di pa kami nagkita ni Liza, 2 years na. Huling kita siguro namin, sa zoom pa. Pero pag nagkita kami accidentally, babatiin ko siya. Kasi wala naman akong galit sa kanya. ‘Yung mga kuda ko naman, pag meron lang akong gustong ikorek sa mga narrative niya, eh. Doon lang ako nagsasalita.

“Saka ako, mas gusto kong maalala yung dating siya at yung masasayang araw namin at yung panahong ayaw niyang sumugal sa career, pero pinagtrabahuhan namin ng Star Magic at ni Mr. M ang pagsikat niya noon.”

“Mama Ogs, tsamba mo lang daw mapasikat si Liza Soberano?”

“May isa pa akong tsamba. Si Vice Ganda,” ani Ogie.

“Eh, bakit di nagtatagal sa yo ang mina-manage mo?” tanong uli kay Ogie na sinagot niya ng, “May permanente ba sa mundo?”

Read more...