MARAMING fans ang tuwang-tuwa sa bagong milestone ng Kapamilya young actress na si Francine Diaz.
Natupad na kasi ang kanyang inaasam na makapagtapos ng Senior High School ngayong taong 2024!
Ang masayang balita ay proud na ibinandera ng Star Magic sa kanilang social media pages.
Sa Instagram, makikita ang ilang moments ni Francine sa kanyang graduation day sa Southville International School.
May mga pictures din ang young aktres kasama ang kanyang mga magulang, pati na rin mga kaklase.
“That’s our Chin!! [clapping hands emoji] Cheers on your academic milestone, #FrancineDiaz!” caption sa post.
Mensahe pa, “Your Star Magic family will always be here to support your endeavors.”
Sa dulo ay may pa-hashtags pa na “Tatak Star Magic.”
Sa comment section, maraming netizens ang proud na proud at bumilib sa achievement ni Francine.
Narito ang ilan sa mga nabasa namin:
“Congrats Francine! Kaka-proud lang ‘yung determination ninyo ni Seth. Work and study pinagsabay. Breadwinner pa ng family. Happy kami para sa inyo, you both deserve all the love and support, God bless and more blessings and projects to come!”
“Congrats chinny [clapping hands emoji] nakaka proud ka [clapping hands, white heart emojis]”
“Congrats! This is the fruit of your hard work guided by the hands of God, continue to strive in life and reach all your dreams [red heart emoji]”
“Nakakabilib talaga siya paano niya napagsabay lahat [holding back tears, clapping emojis]”
Kung maaalala, noong Disyembre ng nakaraang taon, inihayag ni Francine ang kanyang wish na makapag-aral ulit at makatapos ng Senior High School.
Sinabi pa nga niya na kahit super busy siya sa pagtatrabaho sa mundo ng showbiz ay super committed pa rin siya sa kanyang pag-aaral dahil talagang pangarap niya ang maka-graduate sa college.
“Priority ko sarili ko, career ko and school ko importante din talaga sa akin na maka-graduate ako,” pagbabahagi ni Francine sa isang panayam.
Planong kumuha ni Francine ng kursong may kinalaman sa pagnenegosyo, “Ang gusto ko po mag-business management.”
“Kasi hindi ko alam –‘wag naman sana kapag dumating ‘yung panahon na hindi na ako yung tinitingala or maingay, meron akong buhay outside showbiz,” ang praktikal na paliwanag ng dalaga.