Vice, BINI ‘di na nag-perform sa Pride Fest; LGBT members may reklamo

Vice, BINI 'di na nag-perform sa Pride Fest; LGBT members may reklamo

Vice Ganda at BINI

NAGPALIWANAG na ang local government ng Quezon City kung bakit biglang na-cancel ang “Love Laban 2 Everyone Pride Festival 2024” concert.

Libu-libong miyembro at tagasuporta ng LGBTQIA+ community ang nakiisa at nakisaya sa Pride Month celebration kahapon, June 22, na ginanap sa Quezon City Memorial Circle.

Pagkatapos ng naganap na Pride March, ilang speech at performance ng mga  sikat na personalidad, hindi na itinuloy ang production number sana nina Vice Ganda, Gloc-9 at BINI dahil sa malakas na pag-ulan sa lugar.

Baka Bet Mo: #PrideMonth: Herlene Budol, Kylie Padilla ibinandera ang suporta at pagsaludo sa LGBTQIA+

Ayon sa mga organizers ng event, minabuti nilang huwag nang ituloy ang show para sa kaligtasan ng iba pang performers pati na ang nasa 200,000 katao na nagtungo sa Pride March.


Narito ang kabuuan ng official statement ng lokal na pamahalaan ng Quezon City.

“Gusto naming magpasalamat sa lahat ng nakiisa ngayong Love Laban 2 Everyone Pride Festival.

“Maraming salamat din sa pagiging disiplinado kaya naging maayos at ligtas ang ating programa simula kaninang umaga.

“We are proud of our community along with the many allies that have joined us dahil ipinakita natin ang ating good behaviour and also our resolve.

“We will need more of this show of force and love letter to national leaders in the crucial 6 months na kakailanganin natin ang lakas at suporta ng isa’t isa para sa SOGIE Equality Bill at para makamit ang pangarap nating lipunang may pag-ibig at pagkakapantay-pantay.”

“Nais naming ipagbigay alam na nakompromiso ang electrical at sound system sa stage nang dahil sa malakas na ulan at posibleng makapinsala sa mga crew at mahal nating performers.”

Baka Bet Mo: Karen Davila sa BINI: ‘OMG ang babait! Tama lang na iniidolo niyo sila!’

“Dahil dito napagdesisyunan ng mga organizer na unahin ang kapakanan at kaligtasan ng lahat at tapusin nang maaga ang programa ngayong gabi.”


“Ang magandang balita: lumagpas pa sa ating target na 200,000 ang nakiisa sa ating Pride Festival.”

“Hindi po ito ang pagtatapos ng ating laban. Ang Pride ay pang-araw-araw, at marami pang pagkakataon na tayo ay muling magsasama-sama.

Narito naman ang ilan reaksyon ng mga netizens sa natigil na event.

“Next time wag na kayo kumuha ng mga sobrang sikat na group at singer kasi ng pupuntahan lang naman yung iba dahil lang sa kanila, grabe yung mga kabataan na hindi naman pride march ang pinunta, understand ko pa yung isang buong pamilya kasi baka hindi nila alam na may event pero yung siksikan ng dahil sa mga kabataan na 10yrs up para lang sa libreng concert. Hindi ko feel yung event para sa mga LGBTQ+ PS may narinig ako na may na discriminate na gay na naka cosplay.”

“Hindi naman po sa ano pero nakaka disappoint lang ngayong year. We know naman na mas marami, mas masaya pero the fact na pumunta lang sila just for the performers haha. Mga proud na proud pa and na observe ko lang din kanina, andaming mga maliliit na bata and may sanggol panga nakita ko, SUGGEST LANG if may performers kayo siguro, gawin nyo nalang SURPRISE. Kase ako as a member of LGBTQIA+ hindi ko siya gaano na enjoy. Kase yung puro paligid ko naririnig kolang is BINI pati rin sa live may nagsasabe pa nga na ‘wag na yang mga b@ding nayan yung bini nalang’ like parang feeling ko half ng crowd kanina, pumunta lang just for BINI. Happy Pride guys! I hope nextyr maayos na.”

“TO THE ORGANIZERS SANA NXT TIME SURPRISE NLNG YUNG IBANG SPECIAL GUEST LALO NA PG MADAMING FANS LIKE Bini NAWALA KASI ESSENCE NG PRIDE MONTH, YUNG MGA IBA PUMUNTA LNG PARA SA IDOL TAS ANDAMING MGA STRAIGHT NA BAGETS IBA JEJE PA AT HALATANG PRA LNG SA IDOL PINUNTA HINDI PRA SA PROTESTA NG COMMUNITY. TAS ENDING KUNG SINO PA PART NG COMMUNITY AT NAKI JOIN SA PARADE HINDI NA PINAPASOK NG LOOB NG CIRCLE ANG SAD LANG.”

“Disappointed, not happy pride for me. Kasi, ‘yung iba nakikipride march lang, pero ang habol is BINI lang talaga, mga nambabato pa, nanunulak, sana sa susunod wala ng ganitong eksena.”

“Worth it ang pagod! Di naman natin hawak ang timpla ng panahon ang importante naririnig nila ang ingay at sigaw nating lahat! Yakap ng mahigpit mga acla! Love laban.”

“Worth it un kulitan namin sa ulan kahit basang basa lagi natin tatandaan na ang PRIDE ay PROTEST to call for our rights.”

“Medyo nawala na yung totoong ‘pinaglalaban.’ Sa dami nang wala namang alam sa Pride o baka nga yung iba homophobic pa pero gusto lang makalibreng concert, mas sila pa ata yung naka pasok. Sad. Bawi na lang tayo sa mga susunod pa.”

“Sa lahat ng mga nakasabay ko sa siksikan na pila at gitgitan, kahit maulan thank you at kahit wala ako kasama ang saya padin. First pride night ko sana to kaso d nakiayon but thank you padin naka uwi ng safe. Shout out sa mga kasama ko nakuha pang mag selfie sa gitna ng ulan. Paramdam kayo kung nandito kayo haha.”

Read more...