IBINANDERA ni Raquel Pempengco, ang ina ni Jake Zyrus, ang kanyang nararamdaman matapos mag-viral sa social media ang naging rendition ni SB19 Stell sa kantang “All by Myself” ni Celine Dion.
Ayon kay Raquel, magaling ang ipinakita ng P-Pop idol, pero huwag daw sana ito ikumpara sa kanyang anak na dating kilala bilang si Charice Pempengco.
Sa pamamagitan ng Facebook, ibinahagi ng ina ni Jake ang viral performance ni Stell at ang caption pa niya: “Gulatin mo din mga tao…mag-Charice Pempengco ka ulit…hahaha joke lang pero in fairness magaling si Stell Ajero…mala-Jed Madela din but still don’t compare with Charice.”
“Oops just saying lang ha…It’s my own opinion…Dadami na naman busher ko…Peace yow!” wika pa niya.
Baka Bet Mo: Raquel Pempengco may patutsada sa concert ni David Foster: Nag-iisang legendary ng Pilipinas si Charice Pempengco
Sa isang separate post, inamin ni Raquel na hindi niya alam na member pala si Stell ng sikat na Pinoy pop group at iginiit na parehong magaling kumanta ang dalawang singers.
“I’m an avid fan ng Gento ng SB19 since narelease ‘yan. At ‘di ko alam na member siya ng SB19,”sey niya sa FB.
Chika niya pa, “Actually mula ng nawala ang idol ko ‘di na ako nanonood ng mga local music. Ipinasa lang sa akin kaya ko nakita, then I was so surprised when I heard him singing the money note all by myself that David Foster wanted too, to Charice Pempengco [before] now Jake Zyrus.”
“No comparison for both of them, [they’re] both amazing in their own genre,” paliwanag niya.
Kung maaalala, todo ang papuri ng award-winning composer-producer na si David Foster kay Stell matapos magtanghal bilang guest performer ang huli.
Bukod diyan, bumuhos rin ang pagkabilib sa SB19 member mula sa ilang celebrities, kabilang na sina Christian Bautista, Jessa Zaragoza, Aiko Melendez, Sanya Lopez at Dingdong Dantes dahil sa ipinakita nitong high-quality performance.