Jaya proud na proud maging lola, ibinandera sa publiko ang unang apo

Jaya proud na proud maging lola, ibinandera sa publiko ang unang apo

PHOTO: Instagram/@jaya

WALANG katumabas na saya ang nararamdaman ng Queen of Soul na si Jaya ngayong mayroon na siyang apo.

Sa Instagram, proud na proud na ipinakilala ng batikang mang-aawit ang apo na si Grayson Gage.

Kalakip pa niyan ang isang bible verse na ang nakalagay: “Psalms 139: 13 to 14—For You formed my inward parts; You covered me in my mother’s womb. I will praise You, for I am fearfully and wonderfully made; Marvelous are Your works, And that my soul knows very well.”

Masayang caption pa niya, “We welcome you with so much joy and so grateful that I get to be your Lola.”

Masayang-masaya rin siyempre si Jaya para sa anak niyang si Gavin at sa misis nito na si Athena na official parents na.

Baka Bet Mo: Jaya nakalipat na sa bagong tahanan matapos masunugan sa US: Thank you Lord for new beginnings!

“I am so proud and happy for you two,” mensahe niya sa couple.

Ani pa ni Jaya, “You did it, and did it well. God bless you. Love you.”

Sa hiwalay na IG post, ibinandera naman ng Queen of Soul ang pictures nilang pamilya na tila isa-isa nilang binuhat ang bagong miyembro ng kanilang pamilya.

“Our apo has finally arrived! Grayson Gage Gara Gotidoc, born June 18, 2024, is [an] absolute gift from heaven for our family,” lahad niya. 

Wika pa niya, “Now, there’s 7 of us. God is so good. Thank you, Lord!”

 

 

Sa comment section maraming kapwa-celebrities ang nagpaabot ng “congratulatory” messages para kay Jaya at sa couple.

Kabilang na riyan sina Daryl Ong, Lani Misalucha, Jay R, Betong Sumaya, Regine Velasquez, Dra. Vicky Belo, Donita Rose, at marami pang iba.

Kung matatandaan, taong 2021 nang tuluyan nang lumipat sa US si Jaya kasama ang kanyang pamilya.

Read more...